Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, December 18, 2013

Christmas Party Kahit Binagyo?

12/13/2013 9:24:51 PM

Ito na siguro ang magandang tanong sa panahon ngayon: Magki-Christmas party ka pa ba, kahit na tinamaan tayo ng unos?


Actually, kahit naman sa mga nakalipas na tao ay umaalingawngaw pa rin ang tanong na ‘to eh. Siguro mas naging maingay nga lang ang isyung ito dahil sa nangyari sa ilang lalawigan sa Kabisayaan dala ng hagupit ng super bagyo na si Yolanda.

Noong panahon na sinalanta ni Ondoy ang Luzon, particular na ang Metro Manila ay pagbangon din yata ang naging tema ng ilang TV station eh sa pamamagitan ng jingle nila. Malamang, ang lugar na kinatitirikan mo mismo ang matamaan eh,

Ganun din noong tinamaan ni Sendong at Pablo ang ilang probinsya sa Mindanao.

Pero tama pa bang mag-Christmas Party kung sinalanta ng bagyo ang mga kababayan mo?

Kung pagbabasehan ko ang mga ulat ng mainstream media ukol d’yan, karamihan ay nagsabi ng “HINDI.”Dahil raw may malungkot eh – nawalan ng ari-arian, ng mahal sa buhay, parang panahon ‘to para dumamay at makipagluksa ka rin.

Pero alam ko na hindi lahat ng mga naulila ay magiging malungkot na lamang. Siyempre, hindi naman sila babangon kung habang-buhay silang maglulupasay d’yan eh.

Pero sa mga naturang pahayag ay may nagsisilbing dalawang mukha ng repleksyon ang ating lipunan – ang isa ay nakikiramay, at ang isa naman ay ”nega.”

Bakit ko nasabi ang mga ito? Dahil sa kabilang banda naman ay may mga nagsasabi rin d’yan na “oo.” Ika nga ng isang kanta, “tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.” Sabagay, minsan lang sa isang taon yan eh. Kumbaga, kung ika’y sobrang stressed sa buhay at walang time na magpahinga, ito ang panahon na magbibigay sa iyo ng ngiti o ng kasiyahan. Kaya ang dating ay “bakit mo idedeprive ang karapatan naming na sumaya?”

Siguro parang ganitong mga kataga ang nagde-dwelo sa aking utak sa ngayon:
Eh minsan lang din kasi tayo masalanta ng bagyo.Oo, minsan nga, pero hahayaan mo ba na maging malungkot ka sa loob ng mahabang panahon dahil d’yan? E parang gino-glorify mo pa kasi ang mga hindi magandang nangyari sa iyo eh.

At sa pangkalahatan na pahayag ay nasa tao yan. Nasa sa iyo yan, nasa sa atin yan. Karapatan natin kung ang kagustuhan ba nating sumaya ang dapat manaig o hindi. At tutal ay likas naman na may say tayo eh.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, yan ang itatanong ko sa inyo: magdiriwang ka pa rin ba ng Pasko kahit na sinalanta ang mga kababayan mo?


 Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Walang masamang maawa at tumulong pero kailangan mong malaman kung nasaan ang linya ng iyong pagtulong at awa slash makidalamhati. May kanya kanya tayong buhay dito sa lupa at naniniwala ako na sarili mo muna bago iba. Hindi mo kailangan problemahin ang problema ng iba dahil lang sa naawa ka sa kanila. Kailangan mong ilugar ang sarili mo kapag hinihingi ng pagkakataon.

    Oo, magdiriwang pa rin ako ng pasko kahit na nasalanta ang kababayan ko.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...