Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 26, 2013

Wala Na Ang PDAF. Eh Ano Ngayon?

11/24/2013 2:08:36 AM

Wala na raw ang PDAF? Ows?! Weh, hindi nga? Maniwala kayo d'yan?! 


Ni-rule out kasi ng Korte Suprema na “unconstitutional” di umano ang pork barrel. Ganon?


OO, pati nga sa Senado ay tinanggal na rin ang PDAF para sa susunod na taon.


Ang tanong… ano naman ang mangyayari sa ating bayan niyan?

Teka, in the first place ay dapat nasa pera ng mga implementing agency o agencies ang mga ganitong pondo ah. Bakit nga ba, napupunta sa mangilan-ngilang bwakananginang pulitiko ang perang iyan? Para bang “BAON” yan ng magulang sa anak para lang ma-motivate siya pumasok sa klase? Maari, dahil kung wala ka naming pera, gaganahan ka bang matrabaho.

Eh may sweldo naman sila eh. Samahn mo pa ng ilang bonus at allowances, ‘di ba?

Oo nga eh.  Buti pa nga ‘tong mga ‘to eh. May mga tinatanggap na ganyang halaga ng pera mula sa pamahalan. Eh paano kaya yung mga nagbabayad ng buwis mismo? ‘Di ba, sabi nga dapat ay “you get what you pay for?” Tangina lang.

Eh ngayong wala na ang PDAF. O ano na? Ano naman ngayon ang mangyayari?

Baka wala nang congressman o senator na tumakbo. Ang matitira na lamang ay yung mga tao na talaga namang naglilingkod sa taumbayan. Eh bakit ganun? Siyempre, wala na silang makukurakot eh.

Wala nang PDAF, so baka wala na ring mga extrang bonus o allowance pa yan. As in wala na rin silang maipapamigay sa mga staff nila kung sakali na may makuha silang kickback. Siyempre, wala na silang makukurakot eh.

Pag walang PDAF, boring na ng buhay nila. Eh kung sa wala na silang mapagkakakitaan pa masyado eh. Wala na silang makukurakot.

Pero, ito nga lang ang downside kung walang PDAF.

Kung may magagandang proyekto naman na epektibo at walang halong bahid ng corruption, hindi na ito naitutuloy pa. Hindi naman kasi lahat ng mga nasa hanap ng mga lehislatura ay tulad ng inaasahan natin. Hindi naman lahat sa kanila ay mga gago at tiwali. Yung iba diyan ay yung mga inaasam natin na maglilingkod talaga sa bayan.

Pero ito rin kasi ang problema eh. Sa totoo lang, ano ba ang kasalanan ng pera dito? Dahil ba sa nagiging temptasyon sila? Eh ano ba sila? Buhay ba sila? Hindi naman, ‘di ba? Isa lamang silang papel at barya sa ating lipunan? Yan kasi ang napapala kapag ginagawa natin na parang isang Diyos na ang pera eh.

Maaring yan din ang naging puno’t dulo ng lahat kung bakit nasira na ang imahe ng Priority Development Assistance Fund sa ating kamalayan.

Pero minsan, mas naiisip ko na sablay din kasi ang lohika natin eh – tama bang sisihin ang isang walang buhay na materyal na tulad na lamang ng datong, o salapi, o pera? Tama ba na sila ang dapat i-blame sa lahat ng kagaguhang nangyayari sa ating pamahalaan?  ‘Di ba pwedeng yung pamamaraan ng paggasta ng mga pulitiko nati  ukol d’yan? O mas mabuti – yung pulitiko mismo ang dapat sisihin (tutal in general ay mahilig naman tayo manisi sa personal na pamamaraan eh)?

Kung ‘di rin saksakan ng kasupotan ang lohika niyo rin, eh no?


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...