Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, November 25, 2013

The Return Of The Comeback

11/25/2013 12:46:55 PM

Kumbaga sa basketball, rebound. Kumbaga sa element ng rap battle, rebuttal. At kung buhay ang usapan, kung may success, may failure. At kung may failure, meron ding... comeback. At hindi ko tinutukoy dito ang pelikula ni Pedro Penduko. Eh di ano pala kung ganun? Tulad na lamang ng ginawa ng Manny Pacquiao.


Dalawang beses na-olats noong nakaraang taon, ang isa pa dun, sa masaklap na “knock-out” pa. Tila na-kwetyon na ang takbo ng karera niya dahil mula pa noong mga nagdaag taon, matapos ang serye ng mga knock-out wins ay tila nagiging decider na lamang ang resulta ng pagkapanalo niya. Naalala ko p[a nga na ang isa dun ay pinagdudahan mismo ng mga kababayan natin.

Yung knock-out loss niya kay JuanMan? Naalala ko yun. Sing-init ng temperatura sa alas-dos ng hapon yung init ng ulo ng mga tao. Kitang-kita ko ang pagkadismaya nila habang naunood ako (kasama sila, siyempre) sa San Juan Gym noon, na isa sa mga public viewing venue nun. At sa malamang, kung true-blue na Pacman fan ka, baka hindi ka na nanood nun sa pag-ere nila sa GMA 7 at Solar Sports dahil sa pagkadismaya ng resulta. Siyempre, hindi naman tayo tatangkilik ng isang bagay na magpapaalala kung gaano kamiserable ang mga ‘to, ‘di ba?

Pero ika nga niya sa harap ng boxing media, natuto siya sa kanyang huling laban. At walang kinalaman ang sinulat ko kahapon dito. Ang tinutukoy ko ay naging maingat siya, matalino ba, bagay na sinang-ayunan ko sa mga sinabi ni Dennis Principe. OO, agree ako sa kanya. Sa totoo lang, andun pa rin ang pagiging agresibo niya sa laban eh. Naging maingat nga lang talaga siya, dahil hindi maganda ang resulta kung labis-labis naman ang pagiging agresibo mo sa laban.

Pero dahil nanalo na naman si Pacquiao, pustahan, lahat na naman ng mga Pinoy, sasakay sa bandwagon ng mga nagchi-cheer kay Pacquiao. Kung maalala ko, ito rin ang mga ungas na nangahas na kumuewstyon sa karera niya matapos ang dalawang sunod na pagkatalo. Hanep rin ‘tong mga ‘to no? Walang isang salita? Balimbing?

Nagbalik na siya, matapos ang halos isang taon ng inactivity sa boxing. At mukhang nakatulong naman ito. Sabagay, ikaw ba naman kasi ang palagiang sumasabak sa canvas at ring ng dalawa hanggang tatlong beses sa kada taon eh. Siyempre, magte-take toll sa katawan mo ang lahat ng stress at training niyan. Pahinga-pahinga din ba pag may time.

He’s Back, sabi nga ni Michael Bufford. Mas mature nga daw siyang maituturing according kay Atty. Ed Tolentino. Tuloy lang daw ang laban, ayon kay Pacman.

Oh, ngayon... ano na? Aantayin na ba ang napipintong pagtutos nila ni Floyd Mayweather? At rematch kay Timothy Bradley?  

Isang bagay lang daw ang sigurado. Wala raw munang Hermes bag. At may panglimang supling pa silang aalagaan.

Tigil na muna sa boxing. Maraming kailangang tulungan eh.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...