Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 5, 2013

Tayuan Mo at Panindigan (The Tribute)

10/27/2013 6:05:43 PM

“Kung merong isyu, may pag-aawayan, may pagtatalunan, hindi pwedeng wala tayong pakialam. Kailangan: Tayuan Mo at Panindigan.”

Alam ko, nauna na akong gumawa ng pagsusuri sa palabas na ito noong Mayo 2011 pa. Pero I can't help it eh. May ginawa na nga akong draft na similar sa write-up na ito kaso sa kasamaang palad ay nasira ang CPU ko (yung power supply n’ya, actually) at sa mas masaklap na kapalaran, ‘di sya napasamas a mga file na naka-back-up sa akin. Pero anyway, ito ang tribute ko sa programang “Tayuan Mo At Panindigan.”

Out of nowhere, ay nanood ako ng isa sa dalawang episode mula sa YouTube channel nila (come on, 1 year ‘to off-air, pero 2 episodes pa rin ang laman ng account nila) – bagay na nakakarelate pa rin para sa akin – ang kapalaran ng Batch 2011.

All of a sudden tuloy, namiss ko ang palabas na ito. Sa ‘di ko malamang kadahilanan. Hindi ko ma-explain. Ito ang dahilan kung bakit ‘di pa man ako gruma-graduate ay nagiging puyatero na naman ako. Alas-10 hanggang 11 ng gabi yan umeere nun sa Aksyon TV channel 41, t’wing Lunes hanggang Biyernes. Smooth run sila nun, until nagkaroon ng time constraints ang mga programa na nauwi sa halos palagiang pagputol ng show sa ere para bigyang-daan ang newscast  ng Channel 5 na simulcast din sa 41. Bagay na siyempre, nakakabad-trip.


Isa ang Tayuan Mo! At Panindigan nun kung bakit ako nanunood ng TV. Hindi lang dahil sa na-curious ako kung sino yung babaeng yun na katabi nila Lourd at Direk Joey (of course, nalaman ko din siya matapos ang serye ng pagtangkilik), pero dahil sa naiiba ang nilalaman ng palabas nila kesa sa mga typical na talk shows na kadalasa’y umiikot sa napapanahong isyu – mababaw man ito o malalimang diskusyonan.

Naalala ko nga na minsan nabasa din ang kumento ko sa isa sa mga posts nila sa Facebook nun. Actually, yung last line ang mas napansin nila.

“Wow. I almost got curious on last night's episode kasi di talaga maikakaila na laganap na ang social climbers sa ating.... well, society. Kaso kelangang i-cut ata sa ere dahil sa special coverage e. Anyway looking forward to see that soon!  J

p.s. dapat may fan page si ms. aida sy. LOL!“

Tama. Isa rin ako sa mga regular na nagrereact sa Facebook posts nila. As in reaksyon lang ukol sa palabas nila. Bagamat may panahon din na nag-adjust naman ang TMP para makapagbasa ng mga reaksyon ukol sa naturang paksa.

Ilang seasons ding tumagal ang palabas na ito ha? 1 ½ taon, in fact. Nagkapalitan din ng mga hosts. Pero sa totoo lang, kahit na-admire ko din si Danton Remoto, Jojo Alejar, Giselle Sanchez, Issa Litton, Cai Cortez, at ultimong si Shawn Yao... wala pa ring tatalo sa matindihang chemistry ng mga naunang hosts na sila Direk Joey Reyes, Lourd de Veyra, Carlos Celdran at Aida Sy. Mukha bang star-studded ang line-up, considering na may isang lehitimong kritiko sa katauhan ng isang direktor, isa pa sa pamamagitan ng isang 4-time Palanca winner at Word Of The Lourd creator, ang tinaguriang “Damaso,” at ang isang neophyte-slash-fearless-pero-may-pusong radio host?  Actually, mukhang okay na okay nga sila kahit off-the-air eh.

Sa totoo lang, may mga bagay talagang nakakamiss sa palabas na ito eh. Talong punto lang: Una... yun mismo. At hindi siya tunog na parang isang way ng pag-socre sa basketball, 3 statement lang talaga ang binibitawan ni Direk Joey d’yan; Pangalawa, ang palagiang wit at sarcasm ni Lourd. Malamang, trademark na n’ya yan ‘pag siya ay nagsasalita; At pangatlo, ang halakhak ni Aida Sy. Mas okay pag kahalo sa tawanan si Direk Joey.

Bakit kaya wala nang mga talk shows na ganito? Yung tumatalakay sa mga kadalasang nagaganap, pero magaan ang pamamaraan ng talakayan. Tama, light pa yan kung tutuusin, pero pang-matalino pa rin ang datingan. Okay lang yun, at least ‘di siya ganun ka-stress. Hindi rin siya OA.

Para sa ikauunlad ng bayan, dapat matuto tayong tumayo sa sarili natingsalita at matuto rin na paninindigan ito. At dapat ay may ganitong palabas muli sa ating kamalayan. Tama na ang mga lecheng telenovela at jeskeng showbiz shows. Masyado na’t maraming supply pa d’yan (‘di pa ba tayo nauumay sa mga ganyang programa?).

P.S. Kung gusto n’yong mabasa ang unang post ko ukol sa Tayuan Mo at Panindigan, i-click lamang po ang URL na ito: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2011/05/review-tayuan-mo-at-panindigan.html


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...