Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, November 03, 2013

Rewind: Mata ng Kababalaghan

11/3/2013 10:35:57 AM

Malamang sa malamang, kung buhay ka na noong dekada ’90, ay alam mo ang palabas na ito.

Photo credits: Facebook
Tama, ang “Magandang Gabi Bayan,” umeere kada Sabado ng hapon o (mag-gagabi pa nga eh. kung hindi ako nagkakamali, alas-5:30 o alas-6 ng gabi yan) sa ABS-CBN. Hindi lang siya signature line ni “Kabayan” Noli De Castro sa bawat intro at extro niya.

Pero maliban sa mga expose at malalimang pag-uulat, kilala ang Magandang Gabi Bayan sa isang bagay na kahindik-hindik sa kamalayan – ang pag-expose sa mga kababalaghan sa ating bansa. Ops, hindi ko tinutukoy ang alinamng uri ng katiwalian dito ha?

As in mga kuwento tungkol sa mga sari-saring katatakutan, mga bagay na hindi basta-basta maipaliwanang. Misteryo na inaakala mo’y gawa-gawa lang ng salamangka o baka ligaw na kaluluwa. Siguro, similar lang sa mga napapanood mo na horror movies o ultimo sa TV (tutal dati naman ay may mga horror na palabas talaga sa ating telebisyon).

Ano ang tinutukoy ko? Panoorin mo ito.

 

Isa lang yan sa mangilan-ngilang episode ng MGB tuwing Halloween, o Undas, o Todos Los Santos, o Araw ng mga Patay. Basta mula noong 1988 hanggang 2005 (paki-correct na lang kung mali, binase ko lang yan sa haba ng panahon ng pamamayagpag sa ere ng MGB eh) ay minsan sa isang taon ay makakapanood ka ng mga ganyan – Halloween special... este, espeysyal, ika nga. At ‘pag natipuhan pa ng marami yan (sa pamamagitan ng e-mail, snail mail o “sulat,” o ultimo ang tawag; siyempre, di pa naman uso ang gamitin ang chat, social media at text) aba, i-eere at i-eere pa muli yan. Dito mas nauuso ang tinatawag na “due to insistent public demand.”

Ngayon, wala na ang Magandang Gabi Bayan (since 2005 pa nga eh). Bumalik na si Kabayan sa broadcasting matapos ang pagiging bise-presidente niya. Pero sa totoo lang, nung sinubukang i-revive ng ABS-CBN ang istilo ng Halloween special nila sa pamamagitan ng pinamagatang Kababalaghan noong 2011. Actually, okay na rin.

Hindi ko lang masasabi na "walang sinabi" ang mga Halloween special ng kani-kanilang mga programa sa kapwa network man o sa kalaban. 'Di ko mahuhusgahan, kasi matagal na rin akong hindi nakakanood ng mga ganitong palabas, at dahil na rin sa hindi ko sila matiyempuhan, at isama mo na rin na "garbage" na kasi ang karamihan ng mga palabas sa panahon ngayon.

As in mas okay na manood nang ganito kesa sa araw-araw na jeskeng tabloidization ng mga news cast. Sabagay, mas nakakatakot din naman kasi ang mga police beat reports na palagiang ine-emphasize eh. At, di na rin kasi uso ang “Magandang Gabi, Bayan!” Ang in na ngayon ay, “TEEEEVEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYYYY.... PATROL!”

P.S. Alam ko, sa murang edad ko nun, wala pa kong matinong taste sa music. Pero alam mo, gusto ko ang musical scoring ng palabas na ito. Seryoso.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

13 comments:

  1. Oh yeah, I remember this when I was in elementary school. Lalo na pag sembreak, eto lagi pinapanood namin haha

    Visions of a Color Blind Photographer

    ReplyDelete
    Replies
    1. me too! as long as nanunood ang mga kasama ko sa bahay nun. come to think na dati matatakutin pa naman ako.

      Delete
  2. I love their Halloween feature coupled with Noli De Castro's cold voice. I hope they do a throwback show one of these Halloweens.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think they have done Kababalaghan and aired it way Back October 30, 2011. Well, you're not alone buddy. How I wish they should continue airing those heavyweight sh*t back to the mainstream. Seriously, MGB's specials was the last best Halloween show on Philippine TV. (well, for me)

      Delete
  3. tama!! nabasa ko nga sa fb status na sana nag faflashback din ang MGB kasi magaganda talga yung mga nacocover nila. sila nga din ata nag pauso niyan eh

    ReplyDelete
  4. Ooh! I remember this one. Ang pinaka creepy/funny ay pag nasa cemetery nagrereport si Kabayan.haha. How nostalgic.

    ReplyDelete
  5. Nakaka miss naman to..haha. Mas natatakot pako dito before kesa sa ibang horror movies

    ReplyDelete
  6. Sa totoo lang hanggang ngayon natatakot pa din ako panoorin mga videos ng MGB lalo na yung mga undas special nila.

    ReplyDelete
  7. OMG what a major throwback post! This brings so much memories especially now that I live here in Kuwait nothing beats those Halloween creepiness! I miss PH.

    ReplyDelete
  8. Yes napapanood namin ito nung mas bata pa kami. Ibang klase talaga ang mga ghost stories kung bata ka pa. Iba ang dating. Siguro kung ngayon natin panoorin, jaded na tayo masyado, and baka macornihan na tayo. :-)

    ReplyDelete
  9. Yes I agree. Lumaki rin ako sa panahong inaabangan ko ang MGB sa kanilang Halloween Special. Pero last time napanood ko ang Kapuso, Jessica Soho, naapektuhan ako hahaha, parng MGB effect lang nung araw :)

    ReplyDelete
  10. I remember MGB. Inaabangan talag yung Halloween special noon. Natatakot akoo pag pinapanuod yun nung bata ako. Ngayon di na ganong nakakatakot mga episode pag undas ee.

    ReplyDelete
  11. my officemates and I were just talking about this few days ago.talagang ni lookforward talaga ang MGB haloween special nuon. Before I love to watch these kind of shows/films/movies pero ngayon ayaw ko na! hehhe!

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!