Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 19, 2013

Practice What You Preach

11/19/2013 7:14:39 PM

“People killin', people dyin', children hurt and you hear them cryin'. Can you practice what you preach? And would you turn the other cheek?” – Where is the Love, Black Eyed Peas

Practice What You Preach. Yan lang ang masasabi ko sa mga taong nagkukumento sa mga napapanahong post (ke negatibo man ang laman o positibo) na may kinalaman sa bagyong Yolanda. Mabuti sana ang intensyon ng mga salita kung ginagamit lang ito sa wasto, at hindi sa pagyayabang ng mga taong wala namang ipagyayabang.

Oo, practice what you preach. Ibig sabihin, gawa bago salita; o better yet, gawin mo yang sinasabi mo. Patunayan mo sa kilos ang mga salitang binibitawan mo.

Tumulong na lang kayo? Siguraduhin n’yo na kayo mismo ay ginagawa niyo yan ha? Baka naman yang “tumulong na lang kayo” na remark na iyan ay ginagawa mo lang pang-sam comment sa mga Facebook page whenever na may makikita kang di magandang post.

Tigilan n’yo ang paninisi?! Tama yan. Yan ay kung hindi ka mismo namumuna o naninisi sa kapwa mo.
Hindi kayo nakakatulong? Bakit, kayo ba mismo ay tumutulong? Kung oo, maiintindihan namin ang argument mo. Kung hindi, e gago ka pala eh. Sa halip na mamuna ka d’yan...

Walk your talk, ika nga.


Bakit ko sinasabi ang mga ito? Hindi ako sikolohista, pero ilang taon na akong nagmamasid sa lipunang ginagalawan ko, sa mga taong gumagamit ng FB at Twitter, 9 sa 10 tao na napapansin ko na mga taong maboboka ay ang silang hindi naman nagpapatotoo sa mga sinasabi nila.

Tama, mga hipokrito nga sila. At sa advent ng mga social networking sites, marararami pa d’yan ang mga “puro lamang salita.” Ngawa nang ngawa, wala naman ginagawa. Baka nga wala itong pinagkakaiba sa mga taong naklikibaka sa Welcome Rotonda o sa Mendiola. Nakikibaka?  Wala kayong kinikita? E bakit ‘di ka maghanap ng sideline?

May kasabihan: “less talk, less mistake.” Ibig sabihin ba, “no talk, no mistake?!” o ‘di naman kaya’y “more talk, more mistake?” Hindi. Basta, mag-ingat lang sa mga sinasabi.

Pero sa bansang Pilipinas na likas ang marami sa pagkakaroon ng mga kuro-kuro sa lahat ng mga pangyayari sa buhay, hindi uso ito. Kahit ano naman ang mangyari e may masasabi pa rin kasi atyo eh. Likas tayong madaldal. At yan ang problema – kung hindi natin kayang panindigan ang ating kinatatayuan. Para pala tayong mga gago nito eh.

Sa kasaysayan ng mga nakalipas na araw ay may isang internet sensation na nagpalabas ng video na at nagwikang magdo-donate raw sila ng isang libong piso sa kada sampung libong views nito. Ang patunay? Nasa Facebook post nila. By the way, I’m not siding on their fans or haters.



Okay sana ang motibo. Kaso, may problema lang. Ano yun? Wala rin silang kikitain din dun. Di raw kasi namomonetize ang naturang video.

Ngunit iginiit nila na hindi sila after the money. Kundi para mahikayat ang mga followers nila na tumulong din.
Ganun?

E ito raw kasi ang unique way nila para tumulong? Sabagay, pero ito ulit kasi ang nproblema – nagbitaw sila ng salita pero hindi naman sila magbibigay. Isipin mo na lang, kung sakali, may mga tao sa mga nasalantang lugar bang nakakakita nito. Ano kaya ang mararamdaman nila?

Naintindihan ko na ito lang ang tanging pamamaraan para lang tumulong sila. Pero still, they dropped the M word. And it’s not always good kung ganito ang magiging kahinatnan. Parang niloloko mo sila. Alam mo na ngang medyo aanga-anga ang masa ngayon, gaganyanin mo pa. Kung hindi sila after the popularity, e they should set this record straight, kasi yun ang uma-appear eh. I’ll suggest that you better just say it straight – tumulong kayo. Eh tutal marami naman silang followers eh they should blurt the shit properly out.

Besides, helping others should be unconditional. Parang pag nagmamahal ka – hindi ka humahanap ng alinmang kapalit. Walang kundisyon. Isipin mo na lang, paano kung hindi nila naabot ang 10k? So hindi na sila tutulong? Ganun? Parang it’s for popularity and business sakes nga ang dahilan nito.

Again, PRACTICE WHAT YOU PREACH. Kung hindi ka naman talagang tutulong, huwag mo na lang sabihin yan.

At pahabol lang na litrato.



Source:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



3 comments:

  1. Ika nga, "Calamity is the test of integrity." - Samuel Richardson

    ReplyDelete
  2. If we help it should something that comes from the heart.

    ReplyDelete
  3. I agree.
    All of us must walk the talk.
    Hindi panay batikos lang.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...