Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, November 29, 2013

"Open Letter"

11/29/2013 11:52:23 AM

Ayan, may nabuwisit na. May nagsalita na. Maliban pa yan sa mararaing butsi na pumutok dahil sa paghahabol ng BIR kay Manny Pacquiao.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang open letter na mula sa isang Facebook post ni Ira Panganiban (kung ‘di mo siya kilala, hindi ka batang ‘90s).

Kumalat ito sa internet. Naging viral hit. At kahit ang mga sikat na personalidad sa Pilipinas, shinare ito.

Kume naman kasi eh. Bakit si Lucio Tan daw ay hindi napi-freeze ang mga bank assets? Bakit ang mga bwakananginang pulitiko na sangkot sa scam ng isang Janet Napoles ay hindi rin mahatulan sa tylong n’yo? Samantalang si Pacman, na tiniis ang magkapasa, sakit ng katawan, o minsan sugat pa nga at ilang beses na pagkaalog ng ulo (siyempre, kung di ka ba naman masapak sa ulo ng palagian sa isang boxing match eh), na wala naman sa Korte Suprema ang kaso at nasa jeskeng Court of Tax Appeals lang, tangina na-freeze ang kanyang yaman?

Eh kung sa dalawang taon na nga ang taning namin d’yan eh. Ganun? Sabagay, mahaba-habang panahon nay un. Yun nga lang, tanggap ba ang excuse na busy ang pambansang kamao? Ewan.

Eh di raw tinanggap ni Henares ang mga dokumentong dala ni Pacquiao, dahil gusto niya, orihinal. Ano ‘to inaakala ba n’ya na magpapagawa si Pacquiao o ang kanyang mga tao sa Recto? Eh kung ayon nga sa mga Kano mismo ay hindi nga nila nakukuha ang pinakaorihinal na kopya ng mga dokumento nila sa IRS? Hindi tulad dito na ang kulay-hepa o ube man ang papel, na obviously ay tinapalan lang naman ng carbon, original na sa mata ng marami sa atin. Siyempre, iba ang standard ng US sa Pilipinas.

Namumulitika ba ang datingan? Hindi raw sabi nila. E kaso, yun ang dating eh. Siguro kung pinalipas niyo ng ilang araw ‘to, baka magkaintindihan pa kayo.

At wag daw magpatutsada sa media. Eh teka, sino ba ang nagpasimuno? Sila, ‘di ba? Hindi naman yan makararating sa partido ni Pacman, kung hindi dahil ibinalita ng BIR sa media. Siguro, mas okay na lang yung sinabi ni idol Ira, na magkaroon na lamang ng “silent meeting” sa inyong dalawang grupo d’yan. By the way, narito ang tampok na post na yan ni Ira Panganiban.



Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

1 comment:

  1. In this days, hard working people are paying taxes from A-Z while "LAZY PEOPLE" do it from A to,,,,,,,,,,,,,,,,,, ah,,,,,,,, just A. hahahaha!! Oh I forgot to mention that they are also stashing that INCOMPLETE "A" every time they have the chance. Never be amazed by the "GOVERNMENT-POLITICAL-MOVES" because politics is the biggest and most blooming business in the whole world. No one can and no one will destroy this practice except their own kind who is also thinking of replacing the later and making the "BUSINESS" go as usual to the next level...

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...