Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, November 12, 2013

Just My Opinion: Blaming Game?

11/11/2013 8:59:53 PM

Hindi ko ma-gets ‘to. Bakit kelangan pang manisi ng kuya natin?

Hindi na bago ang paninisi ni Pangulong Aquiono sa halos alinmang collapse na nagaganap sa bansa sa nakalipas na tatlong taon. Sablay ang pag-predict ang panahon? Sinisi ang PAGASA. Pag may katiwaliang naeexposed, sinisisi ang nakaraang administasyon. Kapag may taong loko-loko sa hanay niya, ni hindi yata magawa ang manisi. Pero kahit sa supernatural na kalamidad na tulad ng Typhoon Yolanda? Sinisisi ang pamahalaan ng Tacloban – yan ay sa kabila ng pagiging maagap naman ng mga gobyerno ng mga komunidad sa paghanda sa naturang bagyo.

Pero bakit kelangan ba niyang manisi? Dahil ba nag-hoard din ba sila ng mga relief goods? Nangurakot din ba sila tulad ng ilang mga negosyante at congressman?


Teka, kung ordinaryong bagyo lang ‘to at naging ganyan ang resulta, baka naman maintindihan pa naming ang argument mo. Kung ipinupunto niya ang “command responsibility,” eh ang problema kasi, inaasahan ba ng sinuman na ganito ang magiging kahihinatnan ng Tacloban, at maging ang mga ibang lugar na sinalanta rin ni Yolanda? In the first place, wala naman ‘di ba? Unless kung sobrang ibang-iba ang takbo ng utak mo.
Sabagay, ang unang dapat kasi na reresponde d’yan ay ang mga local na opisyales.

Mapaghahandaan lang ang kalamidad (pang-iwas lang), pero hindi ito garantiya na hindi ka na masisiraan ng bahay at buhay. Siyempre, iba pa rin ang ibayong pag-iingat. Unless kung tulad ka ng mga top secret agent na ligtas na ligtas pa rin kahit anong delubyo pa ang dinaanan sa butas ng karayom. Siguro, yun ang pinupunto ni PNoy, ang “pag-iingat,” sa pamamagitan ng tahasang paghahanda. Puspusan ba.

Pero para sisihin ang Tacloban dahil sa hindi pagiging ganun na kahanda nito? Siguro, opinion niya yun. Pero kung maalala ko ang mga balita ay isa ang mga lungsod ng Tacloban sa mga lugar na naghahanda na rin ukol dito ah. Hindi pa sila ganun ka-prepared?

Isyu raw kasi sa kanya ang “casualty.” Sabagay, ang buhay na nawala ay napakahalaga sa isang bayan. Pero hindi naman kasi ng lahat ng tao ay sumusunod sa kooperasyon ng lokaidad. Siyempre, may mga ganyan na talaga, yung mga matitigas ang ulo sa mata nila. Pero para sisihin pa ang gobyerno dahil dun? Di na yata tama yun. Kalimutan na ang kasabihang “The state shall protect its constituents from (blah blah blah)” para sa mga taong magpapasaway pa. Hindi rin kaya yan ang dahilan kung bakit hindi tayo umaangat bilang isang nasyon?

Pero, para sa isang bayan na tinamaan ng type 5 na hurricane, na tila naging isang malaking palauran ng matchbox ang naging itsura ng mga imprastraktura, at mabubuntungan pa ng sisi mula sa pinakapinuno ng Pilipinas?

Parang hindi yata tama yun ah. Ni mga evacuation center nga na magsisilbing pansamantalang tahanan sana ng mga naapektuhan nun ay hindi nakaligtas. Ni wala ngang komunikasyon. Nag-deploy ka ng mga personnel and yet wala silang equipment na pwedeng gawing back-up in case o emergency?  Na-contact mo ba si DILG secretary Roxas kahit na walang signal ang alinmang linya ng komunikasyon sa lalawigan?

Nabugbog na nga ang lungsod mo, and yet sinisisi ka pa dahil sa hindi pagiging ganun kahanda nito? Para kang nasipa at binugbog ng kalaban na binully ka ng ilang beses to the extent na naging mummy ka na sa dami ng benda – and yet, binubungangaan ka pa rin ng erpat at ermat mo ukol dun. Ke hindi ka raw umilag, bakit ka nakipag-away, o kung ano pa – kahit na sinubukan mo pa rin naman silang puruhan. Ni hindi yata marunong umintindi, o sarado lang ang pag-unawa?

Siguro, frustrated lang si PNoy kaya niya nasabi yun. Pero mali pa rin eh. Buti nga si Vice President eh, marunong kumontrol – hindi raw ito ang panahon para mamuna ng pagkakamali. Tigilan muna ang pagtuturo sa mga nagpabaya. Sabagay, hindi naman kasi ito makatutulong. Baka bumaba lang ang morale ng mga tao dun lalo.  

Of course, may mga magrereact d’yan na may halong pulitka na naman ang galaw na ito – sabagay, dahil nga rin naman sa record di umano ni VP na tila hindi rin naman gusto ng marami. Pero tama na muna ang sisihan.
Pero tama ba na manisi? Ewan ko. Tama na lang siguro ang ganyan. Tulong-tulong muna pag may time. Nangyari na eh, wala na tayong magagawa pa  para maibalik yun. Saka na ang imbestigasyon sa mga pangyayari bagamat huwag nga lang lilimot.

Still, fuck the logic.

Sources:


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...