Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, November 6, 2013

"Hirit" Pa!

11/6/2013 7:04:31 PM

Maikling pasada muna tayo sa isa sa mga matutunog na birada sa nakalipas na mga araw.

Ang interview na ito ay naging matunog na balita kahapon. Sobrang matunog lang ay nagtrending pa siya sa Twitter sa lob ng dalawang araw (tama, kahit sa panahon na sinusulat ko ito ay laman din s’iya ng mga trnending topics sa naturang social networking site).




“Oo nga, bakit trending pa rin si Arnold Clavio? Ano bang meron sa kanya?” Yan ang napapala ng mga taong panay teleserye at showbiz chismax lang ang alam na kalikutin. Gising din kasi minsan ng maaga at manood ng balita. O ‘di ka kumbinsido, tigilan mo ang katamaran mo na laging nagreresulta sa pagiging pala-tanong at I-Google Mo, Gago! (IGMG, ika nga ni Stanely Chi.)

Sagot? Misconduct sa kanyang panayam. (O ano, kuntento ka na? Sipain kita d’yan eh.)

Aniya, lumabas na mayabang at namimilosopo siya sa panayam niya sa abugado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Alfredo Villamayor. Pero ano bang ikinaalibadbaran ni Clavio? Ang kanyang hindi pagkakuntento sa mga sagot ng abugado? Baka nakalimutan niya yata na mag-kape? O baka naman, di niya napansin na rolling pala ang camera at lights sa kanya?

O baka naman nalito siya sa pag-uusapan (sa totoo lang, baka noong nanunood kayo nito nun, nalito rin kayo, dahil kahit ang inyong lingkod, na parang kahit ilang beses ko pang –iplayback ang panayam na ito... nakakalito pa rin e. Confusing ba.). Parang “ano ba talaga, kuya? PDAF ba o Serious illegal detention ang pinag-uusapan?” One at a time kasi. At hindi lang si Igan ang may-sala sa puntong yun. Baka yung mga writer ng UH, o ang teleprompter? Ang dami kasi isinisingit na tanong eh.

Baka sa malamang, dismayado siya sa mga nakakalap na detalye. O teka... ‘di kaya baka naman stressed siya? Malamang din, ikaw ba naman ang mag-anchor ng mga balitang mabibigat – as in masyadong di akma para sa oras ng araw eh. At ikaw din ang maga-anchor ng Saksi twing alas-onse ng gabi? At maghohost ka pa sa DZBB ng alas-diyes ng umaga? Nakaka-stress din ang maraming gig, no! Baka ito na nga ang isa sa mga produkto nun.

Pero hindi excuse yan para maging unbecoming ang outcome ng mga ginagawa mo sa ere.

Ito ang problema – ang interview na yun ay naganap sa loob ng isang balitaan, hindi sa isang tipikal na talk-show. So sa malamang, news-gathering lang ang dapat na magiging kalabasan ng naturang usapan nila. Pero bakit nauwi sa isang awkward na conversation ang lahat na dumating sa punto na napahiya na si Villamayor sa mga “hirit” ni Clavio na, “wala akong nakuha sa inyo,”  “pansira ka ng araw eh,” at “patawa-tawa ka pa d’yan?”

Ano ‘to? Ginagaya niya sila Ka Tunying at ang Tulfo Brothers? Ang mga nabanggit kasi ay kilala sa pagiging straightforward at reckless na pakikipag-usap. So ang dating ba ay “feeling” o “trying hard” si Igan? Hindi naman siguro.

Pero ito pa ang masaklap. Hindi kaya hindi siya nakikinig ng maigi sa mga sagot ni Villamayor? Kung bakit ito ang pinunto ko, dalawang bagay: subukan niyong analisahin ang naturang video ng panayam, o  basahin niyo ang blog na ito: http://rebelmedia.wordpress.com/2013/11/05/5-mistakes-of-arnold-clavio-on-his-interview-with-atty-villamor/

Ayon sa Media Newser, ito raw ang “classic na Arnold Clavio.” Okay, given. Kaso… nasa isang newscast pa rin tayo eh. Nasa UNANG BALITA, at wala sa mga katulad ng mga PUNTO POR PUNTO o T3 RELOAD.

Baka naman may gusto lang siyang patunayan? Ang problema, hindi niya narating yun. As in hindi niya na-achieve. Wrong venue kasi eh. Sinong hindi mauurat?

Hindi kaya naging subjective siya? Nakalimutan niya na nasa isang news program siya sa puntong yun (malamang, Unang Balita eh, iba pa yun sa mga feature ng main program na Unang Hirit), at nakalimutan niya na i-set aside ang mga side-comment? Yan ang problema – ulit, nasa wrong place siya.

Basic media ethics lang kasi – hindi dapat mahaluan ng kulay o komentaryo ang isang straight news segment. Ibig sabihin, huwag ilalabas sa ere ang mga bagay na hindi naman saklaw ng patas na pamamahayag. Nakakahiya lang, isa siya sa mga icon ng GMA News and Public Affairs. Isa siya sa mga tinitingala. Kaya mapapataka ka na lang ng “anyare, Igan?” o kung talagang may bahid ka na ng kabadtripan d’yan, baka kung anu-ano pa ang masabi mo.

Self-righteous naman kayo masyado? “Tao lang naman siya eh,” like any other motherfucking excuse ‘pag nagkakamali ang isang tao. Tao nga naman siya e. Natural may mali kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero, una, nasa media ka. Pangalawa, ang taas na ng kredibilidad mo. Pangatlo, respetado at may awtoridad ka. Pag inabuso mo ito – good luck sa career mo. Pero hindi lang naman ito ang unang beses na nagging hit ang pangalan niya sa pagbibitaw ng maangas na marka. Yun nga lang, it’s worse the second time around.

Oh, siya. Awat na. Tutal baka bukas ay magsalita naman siya ukol sa isyung yan eh. Yan n’yo na siyang magpaliwanag.

Sources:


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Thank you for speaking for the people who aren't blinded by power, stardom or whatchamacallit.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...