Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, November 11, 2013

Desperasyon

11/11/2013 7:58:25 PM

Hindi ako sociologist, pero naniniwala ako na ang alinmang kilos ng tao, ke mabuti man o masama ang dulot, ay may hamak na "dahilan," tulad na lamang ng mga serye ng kilos na nagaganap sa aftermath ng bagyong Yolanda.



Desperate calls for despeate measures, ika nga. At kung may nakawan ngang nagaganap sa mga pangunahing establisyamento sa nasirang lungsod ng tacloban, at mapasaang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda (o Haiyan), hindi na ito kataka-taka.

Bakit nga ba nauuso ang mga ganitong bagay? Alam ko, kahit mali ito (at sa totoo lang, e hindi naman natin tino-tolerate ang mga ganitong bagay dapat in the first place eh), may dahilan kung bakit.

Una, nauubos na ang mga nagay na maari nilang gamitin: pagkain, tubig, at kung ano pang material bagay na magsisilbing pangunahing pangangailangan ng tao. At kung wala ka naman disenteng mapagkukunan nito (lalo na’t sa malamang, wala ka ring trabaho sa mga susunod na araw o linggo)... ano pa ba ang magagawa mo?

Kung walang dumarating na relief goods, lalo na’t hino-hoard pa nga ang ilan d’yan. O baka naman dinadaan sa palakasan ng ilang mga nabiktima? Yung mga may kakilala ba, sila –sila lang ang nabibigyan? Alam ko, ‘di patas ‘no?

Eh kung totoo man ang post na ito, aba, may malaki tayong problema...







Sa tignin mo ba, magsisinungaling ang taong yan, o babayaran ng ilan para siya makapagpaskil niyan? Duda ako.

Kung hindi man nakararating sa paroroonan ang dapat makarating sa mga taong nangangailangan, isa lang msasasabi ko: hindi pwede yan. Oo, kelangan nilang i-explain yan, at hindi maari ang dahilang “hindi po naming alam” dyan.

Hindi ba alam ng mga ‘to na maaring isa yan sa mga pinakadahilan kung bakit ang daming mga taong nasalanta ang kumakapit sa patalim? Oo, maaring mali sila kung moralidad ang usapan, pero ke “ang mali man ay mali,” malamang sa malamang na may dahilan ang kada kilos ng tao. Sobrang desperasyon bang maituturing.

And come to think na sinisisi pa ni PNoy ang pamahalaan ng Tacloban dahil sa hindi sila prepared? Oh, please! Fuck that logic.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...