Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, November 4, 2013

Crying Boy

11/4/2013 9:13:16 PM

Ang drama talaga ng mga Pinoy no?

Kaya ‘di kataka-taka na trending ang eksenang ito.

Ano ang ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.



Tama, ang eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa parte nila).


Ito kasi ang kwento, para sa mga hindi pa rin ma-gets matapos panoorin ang video (o tamad lang kayo mag-isip?): Hinabol lang naman ni Honesto ang ale na ‘di nakuha ang sukli mula sa kanyang binili kay Honesto. Nung nakita niya ito sa labas ng palengke, nag-usap sila at in return, binigyan niya ng pera ang mabait na musmos. Nakwento pa nga ni Honesto sa hinabol na customer ang ukol sa kalagayan ng kanyang lolo. Mabait na bata pala, no? Ngunit napagalitan pa rin siya dahil sa... well, umalis siya sa poder ng ina n’ya eh.

Ang eksenang ito ay umani ng papuri mula sa mga manunood. Nag-trend pa nga ito sa Twitter. Meron pa nga na nakisimpatiya o naki-iyak sa eksenang ito habang pinapanood ang Honesto eh. Astig. Ewan ko lang kung dinaig niya yung isang palabas na ka-primetime block din n’ya (sana naman, with my fingers crossed) kung ang usapan ay ang paramihan ng tweet ukol rito.

Maliban sa nag-trend pa ang Honesto ay mataas pa nga ang rating na ito. Siguro, sa mga palabas na ito mas magandang sukatin ang popularidad sa pamamagitan ng “ratings.” Dapat maantig rin dito ang mga account executive at brand managers kung bentahan ang usapan. Bumenta siya sa madlang pipol eh. At ‘di ba, kung anong gusto ng madla, yun din dapata ang patulan ng mga advertisers? Tutal ganyan naman talaga ang kalakaran ng media sa ating bansa eh.

At... cute ba nung bata? Kayo na tumingin sa itsura, bagamat ang alam ko, mas cute daw ito kesa sa... teka, sino ba ‘yun?

Seryoso, mas okay pang mag-trend at mag-rate ang mga palabas na may katuturan at aral mula sa isang inosenteng bata kesa sa mga serye ng jeskeng kalandian mula sa mga medyo matatnda mula sa kanila, bagay na nakakaurat talaga pag naoobserbahan ko ang programming block ng mga primetime teleserye sa panahon ngayon. Ang magagalit, halatang immature na mainstream fan.

Ano ang implikasyon ni crying boy sa mga manunood? Ang aral nito: na maging honest palagi, tulad ng kanyang pangalan.

Huwag kasing aalis nang ‘di ka nagpapaalam sa ermat mo. Mapapagalitan ka lang eh. Alalahanin mo, kung paano magalit si Lourdes (na ginampanan ni Janice De Belen) sa naturang eksena – maliban sa “senyales ito diumano ng pagmamahal ng ina sa anak” – ay repleksyon lamang kung gaano magalit ang maraming magulang sa kanilang anak. Tipong galit talaga – medyo may halong humiliation pa nga o pamamahiya pa yun kung ikaw yung anak. Teka, baka nga kung ikaw si Honesto (papel ni Raikko Mateo) – unless namulat ka ng sobra-sobra sa mga makamundong bagay na posibleng magbigay sa’yo ng mga options na magsalita ng pabalang, bagdabog at iba pa – malamang, iiyak ka na lang.

Iba talaga ang nagagawa ng stress. Irate yung naunang customer, kung ikaw ay businessman, madidismaya ka pa sa sarili mo (at since ayaw kong bigyan ang sarili ko ng “benefit of the doubt” dahil sa totoo lang, hindi na ko masyadong palanood), may iba pa siyang pasaning suliranin, talagang mababaling mo sa ibang bagay o tao ang galit mo. Bagay na obviously, mali rin.  

Saka bago kasi magalit, alamin mo muna ang mga pangyayari. Yan kasi ang problema sa atin eh. Husga tayo nang husga nang hindi natin nalalaman ang mga bagay na hinuhusgahan natin, parang mga supot na Facebook user sa isang blog site na nagkukumento na lang kahit hindi naman nababasa ang mga nilalaman. Tignan mo na lamang ang pag-depensa ng ale sa halos pangaggalaiti (pero alam naman natin na hindi yun sadya) ni Lourdes sa anak niya. Ipinagtanggol pa niya si Honesto.

Lastly, ang pagmamahal ay dapat pairalin – pagmamahal na walang pinipiling kundisyon, iniintindi ang lahat kahit nag-aalab na ang emosyon o stressed ka lang talaga. Yan ang tunay na pagmamahal, hindi yung minahal mo siya dahil nilandi ka o nalilibugan ka sa kanya.

Kahit itong eksena lang ang napanood ko sa palabas na ito, ito ang tunay na teleserye para sa akin... sa panahon ngayon.

Honest siya, promise.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...