Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, November 1, 2013

Ang Buhay Ay Weather-Weather Lang

10/27/2013 10:01:35 AM

Ika nga ni Kuya Kim Atienza (sa palagiang extro niya sa kanyang weather news segemnt sa TV Patrol), “sa bawat pagsubok ng panahon, laging tatandaan na ang buhay ay weather-weather lang.” Tama, weather-weather lang. Kanya-kanyang panahon ng pag-usbong, kanya-kanya ring panahon ng paglubog. Hindi nga lang ito tulad ng kasabihan na la ging iniuugnay sa mga bagay-bagay sa larangan ng pop culture na “easy come, easy go.” One minute ay buhay pa ang kasama mo, the next time around ay nasa morgue na siya o sa ataul. O baka maging kartero ka rin ni Douglas Ong kung sakaling pumalpak ang plano n'ya.

Sa nakalipas na mga minuto, oras, araw, gabi, linggo, buwan, taon, o kahit dekada, malamang... minsan siguro ay napataka ka na kung “bakit siya pa?” as in “bakit siya pa ang kailangang lumisan sa mundo nating kinagisnan?”; “Bakit hindi na lang ako, o siya (sabay turo sa mga masasamang damo tulad na lamang ng mga gahamang negisytante, ganid na pulitko, abusadong mamayan at kawatang haling ang bituka) ang dapat kunin ni Lord?” kasabay ito siyempre ng paghagulgol o mahaba-habang panahon ng pagkabalisa.


Tama, bakit pa kung sino ang mga minamahal mo ay siya pang nawawala sa mundong ito? O maari ring “Bakit kung sino pa ang mga mababait (exempli gratia: Ramon Magsaysay, Jessie Robredo, Fernando Poe, Jr., Karol Jozef Wojytla, at kung sinu-sino pa na mga santo o banal – basta mga ka-budhi ni Santino ng May Bukas Pa) sa mundong ito ay siya pang kinukuha ni Lord? (Which by the way, reminds me ng kantang “Good Boy” ni Bladyak noong dekada ’90.)”

Ang sagot: kanya-kanyang panahon yan e. Kung spiritwal o relihyon ang usapan, tapos na kasi ang misyon n’ya sa mundong ito. Pero kung realistic ang pananaw mo, maari ring “nagkamali kasi siya sa isang kilos eh” – na maaring mai-translate sa ‘aksidente (‘di nakaiwas sa ‘di inaasahang sakuna), ‘krimen’ (nanlaban pa kasi e), o kahit ang aksidenteng pagkalabit ng alinmang sandata (‘yan kasi, nilalaro ang ‘di dapat laruin’).

At alam ko, masyadong ilohikal para sa karamihan ang huling nabanggit. Pero ganyan talaga ang panahon eh.
Pero bakit ang mga ungas at gago sa mundoing ito ang siyang mas nagtatagal pa? Siguro naisip mo yung kasabihang “ang masamang damo, matagal mamatay,” no? Ako rin eh.

Pero siguro kasi, kanya-kanyang panahon lang din yan eh. Malay mo, isang araw ay tatamaan ang mga bastardong ‘yan  ng karma – at mas masakit nga lang yung sa kanila, parang tulad na lamang yung sirkumstansya na tahasan silang bina-bash sa internet matapos ang kanilang pagwalang’ya sa kapwa nila (na inexpose naman ng isang malakas-na-loob na uploader)? Sa panahon ngayon, pag binully ka ng maraming tao sa internet, e para ka na ring binantaan na papatayin ka – natatakot ka nang lumabas ng bahay at mag-window shopping sa takot na may makakilala sa ‘yo na at biglang may humirit na “ay, ikaw yung nanggulpi sa isang batang wala pang isip, ‘di ba? Yung halos patayin mo? GUYS, CONSPIRACY TIME! BALATAN NA NATIN NG BUHAY ANG TARANTADONG ITO!” And presto, laman ka na ng balita at isang space ng obituary sa dyaryo...

... pero obviously, wala naming nangyaring ganito so far. Mabuti naman kung ganun (wag naman sanang magkaroon ng kasong ganito).

Siguro ang mahalaga na dapat isipin natin sa tanang-buhay natin ay ito: wala sa haba ng panahon ang sukatan ng ating buhay. Ito ay nasa kung paano tayo mamuhay. Parang “aanhin mo naman ang 100 taon sa buhay mo kung panay katarantaduhan naman ang ginagawa mo (tapos ang excuse mo pa ay YOLO? YOLO your face!)?” Kung panay sugal, DoTA, babae, at iba pang bisyo ang inatupag mo sa halip na magtrabaho, tulungan ang magulang, maging magandang ehemplo sa mga B.I. na tropa, at supalpalin ang mga nagtatanga-tangahan sa lipunang ginagalawan mo?

‘Wag ka nga lang magsisisi ha? Para kapag dumating ang panahon mo (na... alam mo na ’yun, ‘di na kelangang takutin ka pa), hindi ka magaya  sa mga taong nanambit na “sana ay nagawa niyang maglaan ng oras para sa kanyanng mga anak,” mga bagay na sa kabutihang palad, ayon kay idol Chinkee Tan (sa pamamagitan ng kanyang librong “Always Chink Positive”), ay hindi niya narinig mula sa alinmang tao na minentoran niya. Sabagay, mas nakakatakot ‘yun para sa isang tao na nakahiga na sa kanyang death bed.

“Life is too short. Make the most out of it.” Sino nagsabi niyan? Hindi ko alam e (time is too short na rin para sa akin na maghagilap eh... at marami pa akong isusulat pa sa pagrenta ko sa PC na ito, pasensya, kaya credits sa sinumang unang nagsabi nun). Pero sa totoo lang, ganyan sana ang nasa isipan natin din. ‘di natin alam kung kelan tao biglang babagsak o tutumba, o kukunin ni Lord. Dapat sa panahon na ’yun ay handa na tayo.

Weather-weather lang ‘yan, mga tol.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...