Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, October 4, 2013

Tirada Ni Slick Master: Worldwide Racial Slur

10/4/2013 1:38:44 PM

Photo credit: http://vincenton.wordpress.com/2013/10/01/devina-dedivas-bigoted-online-rants-should-shame-rps-politicians-and-protectionists/

O, may ayaw pala kay Megan Young. May ayaw sa pagkapanalo ng Pinoy. May ayaw sa nanalong Miss World 2013 na mula raw sa bansa ng mga alipin.

O eh ano naman ngayon? Bakit naman kayo pumatol sa bruhang yan? Totoo ba na mga yaya lang tayo dito?
Isang malaking joke ang lahat? Kung ganun, isa lang ang sagot ko: kung joke man sa mata mo ang manalo si Megan Young, e ang corny mo naman, gago!

Pero teka lang, ano ba ang kinaiinisan ng mga Pinoy dito? Yung “biro” ng pagkapanalo? O ang “racist remark” na “I did not know those maids have anything in them.” “Poor” and “smelly” pa nga e.


Ito ang realidad ng buhay na hindi lahat ng tao ay matutuwa kahit ikaw pa ang nanalo ng pinakabongga at pinaka-prestihyisong parangal sa tanang-buhay mo. “You can’t please everyone,” ika nga.

Pero anak ng puta naman, kailangan bang patulan ang rant na yan ng bruhang si Devina DeViva? OO at hindi lang ang pwedeng isagot d’yan. Hindi dahil sa hindi naman nagma-matter ang opinion n’ya sa atin kung tutuusin. As in “tangina, sino ba s’ya para makapagbunganga sa Facebook?”Eh kung magpapakababaw lang ang pag-unawa ko sa buhay e halata naman yatang TROLL lang din ang kanyang pangalan. Divina Deviva? Sino ba namang kups ang magpapangalan ng ganyan?

Sa Manchester University siya nag-aral? Namumuhay sa Singapore? Bente-sais anyos? May 33 kaibigan lang (aba, mas anti-social pa ang bruhildang ‘to kesa sa akin ah?!), jejemon magtype (hindi ka nagte-text, loka), at may gana pang mag-selfie kahit hindi naman saksakan ng pagiging sexy? Putangina, nakakadiri naman ‘yan.

O, siya… sige. Para fair lang. Oo, marami ngang “yaya” sa Pilipinas. Pero huwag ka, hija (at oo, hija na lang itatatawag ko tutal mas lamang naman yata ako ng taas ng mentalidad kesa sa antas ng pagiging matapobre n’ya e) – ang mga yayang yan ang pinakamaalaga sa buong mundo.

At sa totoo lang, tigilan na natin ang pagiging patola sa mga panlalait niya. Bakit kanyo?

Una, dahil alam na nating racist at foul. Kaso nasa internet ka e, at hindi saklaw ng bounds ng mga batas ang online libel. O racial slur.

Pangalawa, likas na mataas ang ego natin kesa sa ibang lahi. Mantakin mong may gana pa tayong magpasaway sa sariling bansa kahit may mga dayo na nakatingin sa atin?

Pangatlo, dapat tigil-tigilan na rin kasi natin ang pagiging balat-sibuyas. Ang lalakas nga natin mamintas sa kapwa natin, tapos tayo pa ang may ganang mapikon pag inasar tayo pabalik? Oy, di fair yan. Nanakit ka e, e di dapat masakatn ka, gago.

Saka ito pa, maraming rant din naman ang ibang bayan laban sa ating lahi ah. Ilang beses na rin tayo pinupuna ng mga kapitbahay dahil sa pagiging ogag natin, ang mga flaws natin, kasama na ang hindi wastong pananamait at pagsunod sa batas. Hindi pa tayo natuto kahit sinupalpal na tayo nila Jimmy Sczieska. Bakit hindi rin naman natin patulan yun? Sabagay, spur of the moment kasi ang tirada ni DeViva e.

At sa kakapatol niyo sa sinabi niya, pinapalaki n’yo lang ang ulo niya eh. Pinapasikat n’yo pa ang nahahalatang papansin naman. At sa lohika ng panahon natin, ang pikon ay talo; at pag naasar ka sa isang bagay, siyam sa sampung beses ay sasabihin ng nang-asar sa ‘yo niyan na “totoo naman pala e.”

Rude na kung rude. Racist na kung racist. Pero mga ‘tol – aksaya lang sa oras ang pagpatol sa tulad niya. Magtrabaho na lang tayo o makibaka laban sa mga “nangbababoy.”

Sources:


author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...