Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, October 8, 2013

Tirada Ni Slick Master: Perilous Footbridge

10/8/2013 9:56:36 PM

Nakakatawa lang na may ganitong proyekto pala sa ating bayan, ano?

Hindi naman sa pagiging mataas at maangas, ha? Pero pansinin ang larawang ito na mula sa artikulo ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Yung bagong footbridge sa bandang Commonwealth Avenue (o sa alternatibong pagkakakilanlan nito na Don Mariano Marcos Avenue). Ang isang bahagi ng naturang tawiran ay may nakahambalang na mga kable ng kuryente.

Photo credit: http://newsinfo.inquirer.net/501237/qc-to-dpwh-fix-perilous-footbridge

Ano, nakaiinit ba ng ulo? Tumaas ba presyon mo?

Sa totoo lang, hindi lang sa kalsadang ‘yan may tinatawag na “perilous footbridge.” Siguro, may mangilan-ngilan pang mga ganyan sa Kalakhang Maynila. At isa sa mga tinutukoy ko na dehadong footbridge ay nasa Libis, Quezon City din. Ewan ko lang kung  sa panahon na sinusulat ko ito ay naisa-ayos na rin ang nasabing overpass (paki-balitaan na lang ako sa mga taga-Libis d’yan).

Ngayon, sino ang may-sala sa ganitong kalokohan? Ang mga mambabatas ba na nagbibigay-pondo sa mga ‘to (sa pamamagitan ng kanilang “pork barrel”)? Actually, hindi sila. Alam n’yo kung sino? Yung mga kontratista ng mga proyektong ito, at damay na rin dito ang Department of Public Works and Highways. Bakit kanyo?

Sige nga, sino bang nasa katinuan ang gagawa ng mga ganyang klaseng proyekto? Sino bang hindi gunggong ang magtatayo ng footbridge na hindi isasang-alang-alang ang kapakanan ng mga taong aakyat sa overpass na ito? Kahit nga isang simple at basic na istruktura e masusi pa ring pinag-aaralan para lang maisakatuparan e. As in masinsinan talaga.

Kaya sa kabilang banda, mag-iisip din ang tao na “sino bang gago ang tatawid sa footbridge na ‘yan? Baka makuryente lang tayo d’yan?!” – kahit actually, hindi naman high-tensioned ang lahat ng wire d’yan (pero bottom line: delikado pa rin ‘yan, no!).

At hindi na  bago sa ating kasaysayan ang mga palpak na proyekto ha? Mula sa pagbakbak ng mga kalsada (o tinatawag nilang “road re-blocking”) pa lang, palong-palo na tayo e. Nagbabayad tayo ng buwis para makapagpagawa tayo ng mga proyekto na kaaya-aya at kumportable para sa atin. Hindi para sa baku-bakong serbisyo o sa mga plataporma na hindi man lang pinag-isipan.

Ayon sa artikulo ng Inquirer noong Linggo ay pinapatanggal na ng pamahalaan ng lungsod ang naturang problema. Nakipag-coordinate na rin daw ang DPWH sa Meralco para tanggalin ito. Pero pati Meralco, may-sala dito? Sabagay, linya nila yan e. Hindi ba nakipag-coordinate? E di sana, pansamantala munta ito pinmatigil ang konstruksyon para maiplantsa ang gusto na yan ng maayos.

Kaso, babagsak pa rin sa mga taong gumawa ng footbridge na ‘yan ang sisi. Basic logical thinking lang kung bakit (nasa mga naunang talata na nga ang mga sagot eh).

Baka kung may panibagong dahilan kung bakit babansagang “killer highway” ang DMMA o ang Commonwealth Aveunue... sa malamang, ito ang isa sa mga “dahilan” na ‘yun.



Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

4 comments:

  1. Medyo delikado nga yang mga kable ng kuryente. Sana tinaasan na lang nila yung overpass pero di natatamaan ng kable.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maari yan, bagamat ang mas iniisip ko nga ay sana naman ay ninilabas at kung maari, ay idinistansya palayo an mga kableng yan.

      Delete
  2. i'm afraid of pedestrian bridges as such! I remember crossing one and I really thought I'd die!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel you. I remember another overpass in QC that has the almost same situation as this one. And I can't help but to get pissed on whoever who'd done that project.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...