Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, October 16, 2013

Shoot, Upload, and Copy-Paste

10/12/2013 12:42:33 PM

Kamakailanlang, umalingangaw na naman ang balitang may kinalaman sa plagiarism. At hindi ito usapin ng copy-paste ng artikulo o talumpati na ginawa ng isang senador noong nakaraang taon, ha? Ang tinutukoy ko sa puntong ito ay ang pag-nakaw diumano at pag-angkin ng isang “scholar” ng mga litrato na sinasali niya sa mga patimpalak.

Matapos pumutok ang isyu ng pag-plagiarize ni Marc Joseph Solis sa isang litrato (na nanalo pa) bilang entry niya sa Smiles For The World Competition, ay nabuklat din ang kasaysayan ng kanyang gawain. Aniya, lumahok ang naturang Public Administration graduate sa 7 photo contests, at 3 sa mga ito ay nakakuha siya ng mga parangal. Hindi para sa best plagiarizer ha? Kundi sa pagkapanalo.

Tama. Pitong patimpalak at pitong nakaw na litrato. Nakagugulat ba? Ayon yan sa fact-finding committee na binuo kasunod ng nasabing insidente na ikinasangkutan ng isa sa kanilang mga “iskolar.” Sabi ng dean ng UP National College for Public Administration (NCPAG) yan: “He submitted pictures that were not his despite the rules of the contests that the person should be submitting original work.”**


Well, umamin man siya sa kanyang ginawa. At nag-sorry din naman ang kanyang ermat sa talagang may-ari ng isa sa mga ninakawan ng litrato na si Gregory John Smith. At hindi na rin nagsampa pa ng kaso ang Chilean Embassy (dahil nga humingi na rin si Solis ng apology sa kanyang mga nagawa).

Subalit, pitong beses na nag-plagiarized? At nakakalusot pa? Naku, ‘di na maganda ‘yan ah. Siguro, kailangan pang may kumanta para lang mapansin ang kanyang ginawa? Ano ‘to, kailangan pang may umangal para lang mapahiya siya?

Sabagay, nasa sa sikolohiya rin kasi ng tao ang katotohanan na may isang bagay pa ang kailangang mangyari para lang makapagpabigay ng tanda sa kanya na “itigil mo na ‘yan!” Parang sa aspeto ng pang araw-araw na buhay natin, kailangan magalit pa tayo sa mga taong umaabuso sa atin matapos ang di-mabilang na beses na pagpapapkita ng ating kabaitan sa kabila ng kanilang pananamantala.

Ang tanong dito, nagtanda na ba si Marc Joseph Solis sa kanyang pag-pe-plagiarize?

Kung sakali man, magsilbi sanang paalala rin ito sa ibang nangongopya ng mga artikulo sa mga blogs at mga Facebook pages nang walang pahintulot o pagkilala (o pagbibigay-credit) sa mga taong orihinal na may-akda. At pati na rin sa mga kuha ng litrato at video na hindi naman nila pagmamay-ari.

Hindi porket pwedeng mag-share ay hindi na rin tayo hihingi ng permiso. Libre lang yan sa advent ng social media (unless kung ang hinihingan mo ng larawan, artikulo o video ay may bayad; depende na ‘yun siyempre).

Kung gusto mong sumali sa mga photo contest, e ito lang ang maipapayo ko: kuha lang nang kuha... pero dapat orihinal na gawa mo ‘yan. Sa totoo lang, kahit hindi naman SLR ang gamit mong camera e, may tiyansa ka sa ganyan eh (unless i-require nila depende sa mechanics).

Credit-credit din ‘pag may time. Pag wala kang time, ‘wag kang kumpoya. Plain and simple.



Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

6 comments:

  1. I've also seen a post on Twitter where Rappler allegedley used a photo without proper credits to the owner. Believe it or not all the Maria Ressa said was that "Social Media is a public domain".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Which is somehow true. However, just doesn't mean that we are in share-able world doesn't mean that we should not use permission nor acknowledgment either. Of course, we need to give some kind of respect to the people who originally owns it.

      Delete
  2. soliscitation - ang pagnanakaw ng gawa ng iba. parang sotto-copy

    may mangilan-ngilan na ring nagpopost ng mga akda ko sa kanilang mga fb pages at lumalabas na sila ang may gawa. kapag nakakahuli ako nito, sinusulatan ko sila upang paalalahanan na hindi masamang mag-share basta't may acknowledgment lang sa tunay na nagmamay-ari.

    sabi nga ni ely, "hindi maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari".

    sa ating mga bloggers, nakakataba ng pusong malaman na may nagkaka-interes sa mga ginagawa natin pero sa kabilang banda, nakakaasar din dahil hindi natin alam na tayo pala ay nanakawan na.

    blogenrol \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama! ganun sana. which reminds me sa kaso ng isang fb user nun na talagang binangga ng grupo ng mga writer sa DF. as in di lang credit-grabber ang ginawa nun e, kundi "blog-grabbing."

      Delete
  3. sa akin naman, mga balik-tanaw groups ang madalas mag-cut and paste ng mga gawa ko. okay lang, ibig sabihin eh may nagbabasa! hahahaha \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha! para-paraan din nila e no? para di mahalata ang mga pasimpleng gawain nila.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...