Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, October 27, 2013

“Liquor Ban” Your Face!

10/27/2013 11:04:05 AM

Laging uso ang liquor ban na ito ‘pag dumarating ang  eleksyon, barangay man, local, o national. Ang tanong, nasusunod naman ba ang “liquor ban” na ito?

Teka, bakit nga ba may “liquor ban” in the first place? Para makontrol ang sitwasyon? Para maiwasan ang alinmang komosyon? Sabagay, kasi laging isinisisi sa “masamang ispiritu” ng alak ang alinmang kagaguhan ng tao pagdating ng eleksyon – may kinalaman man ito sa pulitika, crime of passion, o “trip lang.” Gan’on? Parang ang illogical naman tignan nito – tama bang sisihin ang alak sa aalinmang komosyon at kagaguhang nangyayari pagsapit ng eleksyon?

Ito kasi ang problema kung bakit may liquor ban: hindi nakapag-iisip ng matino ang tao.  As in nakakalimot na ilagay dapat ang mga yan sa tiyan lang, at hindi sa utak. Naku, kaya namn pala e. Kaya tuloy damay ang mga taong keri lang uminom dahil sa mga bugok na ‘di kayang i-handle ang mga sarili nila.

At sinu-sino lang ba ang sumusnod sa liquor ban na ito?

Kung isa kang franchisee ng mga convenience store na tulad na lamang ng 7-11 saka Mini Stop, oo. Actually, kada gabi ay may ganun yata sila e (kanya-kanyang set ng curfew nga lang ‘yan siyempre). Mabuti pa nga ang mga tulad nito e. At least, sumusnod sa pamantayan. Yung mga tindahan at establisyamento? Pustahan, hindi lahat ay katulad ng mga ‘to.

Pero ang mga tindahan na lang ang may kasalanan dito? Parang ‘di naman yata tama na isis ang lahat sa kanila? Malay mo, napilitan lang din sila ng ilang mga manginginom (as in yung “’pag di mo ko pagbilan ng alak, ipapasara ko ‘to!” Pero sabagay, sino ba naming bugok ang magiging uto-uto pag ganun?).

Kung may exempted man sa liquor ban na ito, yun ay Zamboanga at Bohol. Tama, yung mga naapektuhan lang ng mga delbuyong dala ng halong digmaan at baha (Zamboanga), at ang tinamaan ng matinding yanig ng Lindol (Bohol). Bakit sila lang? E ‘di naman magkakaeleksyon sa kanila sa Lunes eh. Sa Nobyembre pa sila dahil nga sa mga nangyari sa kani-kanilang lugar.

Aba, ang Pinoy pa! E likas na pasaway din tayo e. Aminin natin yan. Sa nakalipas na eleksyon ay ‘di pa rin masawatan ang mga lashenggo na tahasang lumalabag sa batas na ‘yan. Sa Davao nga e, kahit napakababa ng crime rate dun, may 120 pa ring mga bugok na sinubukang basagin ang otoridad ni idol Mayor Duterte eh.

Eh what more pa sa mga lugar na malalambot na batas tulad na lamang ng... Metro Manila? Sa ngayon, wala pa kong makalap na detalye dahil sa totoo lang, ilang oras pa lang ay halos 11 oras pa lang iniimplementa ang liquor ban sa 2013 barangay elections. Habang nirere-update ang artikulong ito, may mga balita na sa ngayon kung gaano karami na ang lumabag (I-Google nyo na lang yun). Maaring maliit na porsyento lang yun sa istatistika ng mga pasaway, ngunit sa advent ng tabloidization, ang aktibidad na may kinasasangkutan ng pag-tagay ng alak ay malaking big deal. Wala sanang masama dun.

Pero bottom line, tama pa rin bang sisihin ang alak sa kagaguhan ng tao? Tanginang yan, what a logic.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

3 comments:

  1. I don't see the point. People can still drink at home. Also, I heard of candidates treating voters to inumans. Haaay

    ReplyDelete
    Replies
    1. exactly. there still have a lot of flaws to this one.

      Delete
  2. that will just create the forbidden fruit effect , you don't make people drink less by banning alcohol

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...