Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, October 9, 2013

Lessons From That OTJ Movie

10/5/2013 11:55:48 AM

Sa totoo lang, bihira lang ako makapulot ng mga aral sa mga palabas. Lalo na sa panahon ngayon na kung anu-anong kalokohan at kababawan na lang ang nakikita ko sa parehong mundo ng telebisyon at pelikula. As in hindi mo na siya mahanapan pa ng lalim, o ng kulay, o kung anu-ano pa na maaring maging kapaki-pakinabang.

Nabago lang ulit ang pananaw ko sa mga pelikula noong natuto ako manaliksik at manuri ng mga palabas. Salamat sa isang subject ko nung estudyante pa ako sa kolehiyo; at sa tila prebilehiyo na makakapanood na ulit ako sa sinehan dahil nagkatrabaho na ako. At mas lalo nabago pa ito noong pinanood ko ang pelikulang ito (sabay turo sa banner ng pelikulang On The Job).

Sa halos dalawang oras na nakatutuok sa malaking screen na ’yan, marami akong natutunan sa pelikulang On The Job. Anu-ano ang mga ‘yun? Huwag kang mag-alala, ike-kwento ko na siya rito.

Ang lungsod ay isang malaking gubat. Kaya nga may naimbentong ang kataga na “urban jungle,” ‘di ba? At maliban pa d’yan, dito mapapatunayan ang isang aral sa siyensya na “ang tao ay isang pinakamataas na uri ng hayop” – as in kayang gumawa ng mala-hayop na gawain ang isang tao para lang may makain siya. Handa siyang pumatay ng tao para lang mapagtustusan niya ang kanyang pamilya.

Tama, crime is a business. Halos lahat naman yata ng transaksyon sa buhay natin ay maituturing na rin na negosyo e. Parang kasabihan na...

“Trabaho lang.” Ang lahat ng ginagawa nila ay trabaho lang. Walang pamilya-pamilya, o wala ring emosyon na dapat pang maihalo pa sa iyong isipan. Ang trabaho ay trabaho. Pag hindi mo ginawa ‘yan ng pulido, tatamaan ka nang lintik. Kapag hindi mo inayos ang trabaho mo, patay kang bata ka.

Dito napatunayan ang kasabihang “ang masamang damo, matagal mamatay.” Tignan mo na lamang ang kuwento ni Mario o ni Tatang. Kaya kahit ilang beses pa siyang labas-masok ng kulungan ay nakakalusot pa siya. At take note, nabigyan pa siya ng parola. Kaugnay niyan...

Ang isang masamang tao, walang kinikilalang “konsensya.” Hindi masisindak kahit ilang “huwag po” pa ang umalingawngaw (at kahit may luha pa ‘yan). Siyempre, trabaho e. Alisin mo ang pagiging anghel mo o ang pagiging malinis ang budhi .

Ang mayabang, napapaslang. Tignan mo ang nangyari kay Daniel. Kaya kahit maangas ka, dapat maging low-profile ka. Pero sa kabilang banda, ito rin ang nagbibigay ng solidong pagkakataon kay Gerald Andreson na maging best actor (well, para sa akin ha?). Aba’y sing-tindi ng arte niya sa sineng ito ang kanyang lutong ng pagmumura ng “(PU)TANGINA!”

Ang katiwalian ay laganap sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Tanga lang ang magsasabi na sa “pamahalaan” lang ito umiiral. Muli, mali ka. Hindi dahil sa tayo ang humuhubog sa gobyerno natin, kundi dahil sa halos lahat ng larangan ay may corruption naman na nagaganap talaga, malayang mamamayan ka man o nakakulong na kawatan.  At iyan ang pinaka-ugat ng kahirapan sa ating bansa. Sa sobrang kahirapan ng isang tao, tignan mo niloko nya ng kanyang asawa. Sa sobrang hirap maghanap ng trabaho, tignan mo – naging hired killer siya. Akala ng pamilya niya e nasa Dubai siya pero nasa bilangguan lang naman.

Kahit kamag-anak mo, maari kang traydurin. Katulad ng sinabi ko yan sa nauna e. Si Lolet, tanggap lang nang tanggap ng pera mula kay Mario, kahit lingid sa kaalaman ni Tatang ay niloloko na siya ng kanyang asawa. Kahit si Daniel, akala mo siya na ang papalit sa kanyang “Tatang?” ang pagsaksak ni Mario sa gitna ng yakapsul session nilang dalawa ay nagsasabi lamang ng “Ikaw, papalit sa trono ko? ASA!”

Walang lihim na hindi nabubunyag, kahit mag-ingat ka pa. Taliwas na ito sa linya mula as kantang Billie Jean ni Michael Jackson (“be careful what you do, ‘cause the lie becomes the truth.” WEH?).  Akala siguro ni Tatang e mapapaikot pa niya ang mundo ng anak na si Tina, ano? Na ang erpat niya na “nagtatrabaho raw sa Cebu” ay isa palang hired killer. Kaya nga nung nabisto nga ng erpat niya ang pagiging kaladkaran ng kanyang asawa ay walang habas na piƱata niya ang kumakabit na lalake.

“Mas madaling pumatay ‘pag may galit ka.” Pero malalim ang punto ko sa kasabihang ito. Parang sa ibang gawain lang: “Kapag may passion ka sa isang bagay, madali mong nagagawa ang isang trabaho.” Which is tama rin naman sa madalas, ‘di ba? Bagay na pinatotoo naman sa ilang mga eksena.

Lahat ng gawain, may malalim na lihim. As in may pinaguhugutan sila. Hindi sila naging kawatan lang dahil sa wala lang. May pinapakian silang pamilya. Ganun din sa mga pulitiko na sikretong sangkot sa mga ganitong gawain. May reputasyon silang ibinabandera. May pangalan silang itnatayo. May boto silang hinahabol. Kaya kawawa naman tuloy yung mga taong nagkukumahog sa mga lehitong utos. Mga inosente ba.

Huwag mong gagalitin ang paos. Bakit? Dahil mas malakas at mas maingay pa siya pag nagagalit. At kahit duguan na nga, may gana pa siyang mangarat o itaas ang kanyang gitnang daliri.

Siguro kung may tipikal na pangyayari sa mga palatuntunan, ito yung eksena na “may ibubunyag siya habang siya ay naghihingalo na.” Sa kaso ng OTJ, ito yung eksena na naghihingalo ang kaibigan ni SPO1 Acosta bago pa siya makaratay sa ospital. Dun lang nalaman ni Sergeant Joaquin na ang mga maruruming bahid nila Gen. Pacheco at Cong. Manrique.

Ang realidad ng mundo ay parang pelikulang ito – masakit, mapait, at hindi pwede para sa mga mababait. Nilarawan ng On The Job ang ilang panig na kalakaran sa ating buhay ngayon – na ang pagpatay ng tao ay isang trabaho para sa iilang halang ang bituka. Ang katiwalian ay laganap sa lahat ng antas ng pamumuhay, as long as “business” ang mga ito.

At walang ligtas na lugar sa ating mundo. Kahit sa sarili mong bakuran, kaya kang kitilan. Hindi uso ang “comfort zone” o “safe haven.” Kaya sa madaling sabi, mag-ingat.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...