Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, October 31, 2013

Halloween Na! E Ano Ngayon?

10/27/2013 4:26:59 PM

"Ang buhay ay parang HOLIDAY. Pag in-love ka, VALENTINES DAY. Pag marami kang pera PASKO. Pero 'pag tumingin ka sa salamin... Halloween na!" (At sa totoo lang, duda ako sa mga naglabasang post na sinasabing UNDAS ‘yun.)

Papatak na naman sa kalendaryo ang katapusan ng Oktubre. Bago mag-Todos Los Santos, may holiday pang ipinagdiriwang ang karamihan. Tama, malapit na naman kasi ang Halloween. At dahiul Halloween nga, horror na naman ang peg ng paligid. Tatakutin na naman ang sari-sarili sa mga horror movies at zombies at ultimo ang mga napapanahong jokes. Siguro mas papatok ang mga sinehan kung ipapalabas sa panahong ito ang Insidious 2 (bagamat may mga review akong nabasa at ayon na rin sa feedback ng mga tropa ko ay hindi naman siya nakakatakot e. Nakakagulat lang, o lamang lang ng drum na paligo sa mga tulad ng World War Z.)

Okay. Ang tanong: Halloween na nga, eh ano naman ngayon?


Teka, nagdiriwang ba ang Pilipinas ng Halloween in the first place? Siguro, kung ikaw ay taga-urbanidad. Kung ikaw ay elitista. Madalas ko kasing makita ang mga ‘yan pag sosyalin ang subdibisyon o village. Wala ka naman makikita masyado sa mga lugar ng maralita na nagde-decorate ng mga palamuting pang-Halloween.  Mga parol na may kinalaman sa Pasko, pwede pa.

Halloween na nga, e ano naman ngayon? Three words: TRICK or TREAT. Parang yung mga Halloween-episode ng mga banyagang palabas lang. Naalala ko lang nung minsan akong gumala sa Eastwood last year, mga bata nakiki-trick or treat sa mall nun.

At huwag ka, pare: Bongga pa ang costume nila. Talbog ang mga suot na pang-prom, Wikang Pambansa, summer (weh? Meron ba dun?!), at United Nations. May superhero pa nga e. Kaya siguro malaking event ‘to dahil kahit nakakatakot ang tema ng araw, ginagawa nilang katatawanan. Pero kung katatawanan lang ang usapan, e tumingin ka na lang sa salamin  (oo, tulad na lamang ng pinakaunang statement ng artikulong ito)!

At sa advent ng mga pagsulputan ng mga call center sa bansa (na siyempre, sinusunod ang holiday o special day ng ibang bansa kesa sa sariling lugar), talagang lumalaganap na nga ang Halloween fever niyan.

Kung ganun man ang dating, e ‘di parang Christmas o Valentine’s Day rin pala ang katumbas na halaga nito e: “all for money’s sake” na lang din. Siyempre, mauuso ang  mga thrilling ride sa mga amusement park. Ang majority ng mga espesyal na palabas sa TV, horror. Ang mga item (bagay man o pagkain), may resemblance ng katatakutan.

Pero Halloween na nga! Eh ano naman ngayon? Ewan ko, ni hindi nga ako nakakakain ng kalabasa na ginagawa nilang lampara e. Teka, lampara nga ba ‘yun (minsan kasi parang may nakikita akong aninag ng liwanag na mula sa kandila dun e)? Baka kasi pwede rin siyang maskara e – yan ay kung kasya ang ulo mo dun.

Teka lang, kung katatakutan lang ang usapan, wala na yatang mas nakakatakot pa sa digmaan, kalamidad at krimen na araw-araw na yata nating nararanasan. Oo, particular na yung dalawang huling nabanggit. Sa totoo lang, mas matakot pa dapat tayo sa buhay e. Dahil ang mga yun, kaya pa tayong patayin!

Kung ganun pala, e ‘di araw-araw... ay parang Halloween! Yun naman pala eh. Ano na ngayon?

Ewan ko. AWOOO!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. People forget Halloween is a corruption of the old english term for all hallow's eve, with hallow being holy (as in our father in heaven hallowed by they name)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...