Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, October 12, 2013

Ang Ma-PR Na Sibling Rivalry

10/7/2013 5:36:40 PM

Wow, ang lakas ng drama nila ah. May aksyon, may twist, may trash-talking spiels, at eksena sa korte ah. At take note, ilang take na rin sila kahit sabihin pa yata ni Direk na “CUT! PERFECT!”

E ano naman? Hay naku naman, puwede bang tantanan na natin ang kadramahan ng mga Barretto sisters?

Matakin mo, ang daming problema ng Pilipinas na dapat pang pansinin, mula pork barrel scam hanggang sa sigalot sa Zamboanga, hanggang sa training ni Pacquiao hanggang sa pagiging patola ng mga netizens kay Devina Deviva. Pero bakit ito pa ang ginawang national item sa mga flagship newscasts ng mga malalaking network?

Alam niyo, matagal nang uso ang “sibling” rivalry, celebrity man ang mag-utol o ordinaryong nilalang. Parang sobrang fascinated naman ang datingan sa inyo ng awayan nila Claudine, ang asawang si Raymart, at ang kapatid na si Gretchen ah.

Pero paano nga ba tayo napunta mula sa imbestigasyon ng serye ng mga anomalya sa kaban ng bayan… papunta sa maingay na away-kapatid? E nagdemandahan na kasi sa korte ang bunsong si Claudine at ang asawa niyang si Raymart Santiago. At kung anu-anong butas na ang pinasok ng mga ‘to? Kaliwa’t kanang labasan ng baho, putik, at iba pang bahid ng dumi. Hanggang sa nagsi-sulputan na ang mga utol at ultimo ang mga magulang. “Shut Up, Liar” and “Drop the family name” ang mga matitinding kumento? Anak ng, hoy! Kung sa korte na lang kayo mag-usap sa halip na i-daan sa PR at showbiz media?

Naku, ‘di naman kayo nakakahiya no? Wapakels kahit nakakahiya, basta ma-achieve lang ang “talk of the town” award. Parang na-imagine ko tuloy na paano kaya kung kamag-anak ko ang mga ‘to? ‘Di na rin ako magtataka kung maapektuhan ako ng pambabatikos nito sa Twitter, o pambubully sa pamamagitan ng tsismis a la backstaban.

At paano ka naman hindi maiirita kung sapaw na sapaw na ng airtime ng mga balitang ito ang kabuuan ng mga newscast a telebisyon? Buti pa ang mga ‘di sikat na istasyon e, may kabuluhan pa ang mga ibinabalita.

Ano ang posibleng implikasyon nito sa ating lipunan? Na karamiha’y magiging ampaw na naman. Sabagay, marami rin kasing mahihilig pumatol sa kung anu-anong kababawan sa buhay natin na tulad ng showbiz at teledrama. Mahihilig tayo sa away – pero ang kataka-taka lang, e tayo mismo ayaw mapaaway. Loko-loko rin kayo, e no?

Nah, enough of excessive publicity, please?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

6 comments:

  1. True. Some domestic events need to be left to those concerned.

    ReplyDelete
  2. very well said.. and masama pa dyan epekto ginagawa nilan tsismosa tsismoso viewers nila.. hay

    ReplyDelete
    Replies
    1. mismo! no wonder kung bakit malaking numero sa mga mainstream viewers ay na-inflict na sa kanilang kaisipan ang pagiging tsismoso.

      Delete
  3. Haha dati sinusubaybayan ko pa mga kwento tungkol dyan sa magkakapatid pero ngayon di na. Walang mabuting maidudulot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. sa totoo lang, nakakasawa na ang mga ganyang balita. para silang ticket sa sinehan - good for one-time screening only.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...