Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, October 23, 2013

Airport's Worst The Second Time Around?!

10/18/2013 3:41:09 PM

O, may nagsalita na naman. May humusga na naman. “Worst airport in the world” raw ang Ninoy Aquino International Airport terminal 1?

Eh ano naman ngayon? May bago pa ba sa balitang ito? Parang minsan na rin tinag ang naturang airport sa kaparehong titulo ah. Maalala na noong 2011 ay tinag din ng isang travel website "The Guide to Sleeping in Airports" bilang world’s no. 1 worst airport ang NAIA 1.


Alam mo, siguro kung dating pangalan pa ang ginamit dito na “Manila International Aiprort, e mas pahiyang-pahiya na tayo. Kaso, either way kasi, malaking dagok ‘to, kahit kung nabubuhay pa sa panahong ito ang dating Senator Ninoy Aquino. “Aba, airport na ipinangalan n’yo sa akin, world’s worst? What have you done to this beautiful terminal?”

Pero bakit nga ba naging worst airport ang terminal 1 ng NAIA? Kung babalikan ang kasaysayan ng karumihan ng terminal 1, maraming flaws kung bakit para sa mga taong naglahad nun, yan ang “worst.” Mahaba ang pila, magulo, maraming kakulangan sa serbisyo, katiwalian, krimen (specifically, pagnanakaw), at kahit pa ang ultimong pagkatulo ng comfort room (teka, bakit nga bang tinawag na “comfort room” yun kung hindi naman kum portable ang naturang kwarto, ‘di ba?).

At matapos ang dalawang taon, anyare? PRESTO, Nasa kanila pa rin ang trono, ayon sa naturang website.
Nasaan na ang “progresong” ipinangako? Hanggang drawing o blueprint lang ba ang mga nakaupo dun? May gana pa kayong magpresenta ng tatlong architect at deszginer para i-facelift ang NAIA-1? O don’t tell me kukuinin n’yo pa yan sa pork barrel, ha? Good luck. Daig pa kayo ng Extreme Makeover at ng Fashbook e.

“Buti pa nga may malalapagan eh?” Siguro, pero hindi yun ang punto rito. Sa dalawang taon na binulabog na ang pamahalaan at ang local media ng tila bad-but-true press mula sa foreigner, OFW, at kapwa mamayang turista na may kinalaman sa “worst airport,” e tila hindi tayo natututo. E yan ang Pinoy e, sad to say. Kelangan pa bang i-memorize yan? Mula sa pagboto sa eleksyon hanggang sa pagiging maagap sa mga kalamidad, hindi tayo natututo. History repeats itself, ika nga.

At baka nga kahit batuhin mo pa ng ilang suhestiyon ang tagapamahala ng NAIA 1, hindi yan makikinig. Asa ka pa, no.

O, siya. Sige na. Total for the second time e “worst airport in the world” naman na ang NAIA terminal 1, ito ang magandang pabor d’yan: gawaran ng parangal at sumigaw ng “CONGRATULATIONS!”

Pero please lang, kung may planong i-revamp ang lugar na ‘yan, ‘wag n’yo na lang idaan sa salita. Ginagawa yan, mga bugok.

Sources:


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. In fairness, hindi naman accurate yang report na "worst Airport In The World" ang NAIA 1. Ako ay isang commercial pilot na naka base ngayon sa Africa. Ako mismo ang makapag sabi kong totoo o hindi yang report nayan. Kong makita nyo lang ang ibang international airports na napuntahan ko dito sa Africa, talagang mamahiln nyo ang NAIA. Meron nga lang talaga dapat iimprove pero hindi naman "Worst Airport In The World".

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...