Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, October 22, 2013

60 In A Relationship With 16

10/18/2013 9:04:13 AM

Isang satirical punchline nga muna tayo, na 'di ko malaman kung sino ba ang unang nagpasimuno, pero credits pa rin tayo sa kanya, ha? Alam ko, walang kwenta 'to pag binasa mo lang, kaya ayus-ayusin mo na lang ang pag-deliver mo n'yan para 'di ka magmukhang corny.

Tanong: Anong chord ang paborito ni Freddie Aguilar?
Sagot: 'e di A MINOR!

Okay, so may malaking pasabog na naganap sa katatapos lang na 5th Star Awards for Music. Ang isang batikang mang-aawit, may karelasyon na... bata?! Tama, si Ka Freddie, may nadale pang binibini!

Eh ano naman ngayon?

Ang 60 anyos na si Freddie Aguilar, na ginawaran ng lifetime achievement award sa naturang  patimpalak, ay umamin na ang bago niyang ka-relasyon ay 16 anyso pa lamang. Halos malapit ang tunog no (sixty, and sixteen)?


Aniya, ang dahilan ni Ka Freddie ay hindi raw niya alam na ganun pala kabata ang kasalukuyang gelpren niya noong nililigawan pa n’ya ito. E naging sila na? Ayun nagkabukingan yata. At hindi na nagawang umatras ng batikang singer dahil sa “in love na raw s’ya.” Ganun? Porket in-love na, di na aatras? Well, kanya-kanyang pananaw naman ‘yan e. Saka may consent naman ng magulang ng kanyang kasintahan. Payag raw sila. Sabagay, singer ka, may pangalan ka, may edad na, so eksperiensyado na sa mga pangyayari sa buhay, at sa tingin ko... kaya naman niya buhayin ang babaeng ‘yan. Walang masama dun.

At  kunsabagay, kung ikaw ay isang tagahanga ni Ka Freddie, dapt ay alam mo rin na 17 anyos pa lang ang kanyang ikatlong asawa noong sila’y nagsasama pa. At hindi siya naniniwala sa kasabihan na “dapat ay kaedaran mo ang minamahal mo.” Hindi rin naman kasi ‘yan nasusulat sa alinmang diksyunaryo.

Ito nga lang ang problema, possible kaya siyang makasuhan ng seduction? Ayon kasi kay UP college of Law dean Danilo Concepcion (sa pamamagitan ng kanyang programa sa radyo), ay ...

"Kung ang naging karelasyon mong sexual ay menor de edad, below 18 at ang mga karelasyon mong babae ay virgin, ang kaso mo naman ay seduction. Kahit ba pumayag siya, pero kung siya ay virgin, seduction yan,"
At isang pribadong offense nga lang ‘yan. Sabagay, since okay naman si Ka Freddie sa kanyang mga soon-to-be manugang (kung sakaling ituloy niyang pakasalan ang kanyang girlfriend sa takdang panahon), tingin ko ay hindi naman kailangan pa ng mga gan itong asunto. O kahit samahan pa ito ng child abuse.

Well, maghihintay man ng dalawang taon si Ka Freddie ukol rito... eh, tigilan na natin ang usapang ito. Yaan mo sila magmahalan. Walang basagan ng trip. Ang hirap kasi sa ating lipunan e parang mga gago rin kung makapaghusga sa mga tinatawag na “may-december love affair.”

E kung mind your own lovelife na lang, ano? O kung tantanan mo na lamang ang mga usapan sa showbiz at magtrabaho ka na lang d’yan? Babaw n’yo naman kung ultimo ang 46-yeqar gap na relasyon ng dalwang ito e pagtitsismisan n’yo pa nang sobra-sobra.

Sources:


author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...