Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, September 22, 2013

Sabong

9/14/2013 9:03:52 PM

Maraming nakikibaka sa isang labanan na walang garantiyang tiyansa na manalo. Tila isang sabong ang isang labanang nagaganap. Isang sugal na tila bihira lang sa bilang ang mga uuwing kumpleto at nasa katinuan.
Parehong may ipinagdidigma ang taga-tanggulan at ang nasa maka-kaliwa. Pero hindi nito naresolba sa dayalogong diplomasya. At ang masaklap pa rito ay isa sa mga bagay na ipinaglalaban ay ang “kapayapaan.” Ganun? Pareho silang nakikipagbakbakan sa isa’t isa para sa kapayapaan? Ang labo din e no?

May kasabihan. “No one wins in an argument.” Tama, wala naman talagang nananalo sa isang pagtatalo (kaya nga pagta-talo ‘di ba?). Eh kung sa simpleng verbal na usapan ay walang nagpapatalo, e what more pa kaya sa isang digmaan? Hindi kaya na ang lohikang ito ay ang siyang dahilan kung bakit nagaganap ang isang malagim na insidente na kung tawagin ay “digmaan” o “giyera?”

Ayos sana. Kaso marami kasi ang naapektuhan e. Maraming walang kamalay-malay sa buhay ang madadamay, magiging kalasag ng mga naglalabang rebelde.

Ilang buhay pa kaya ang kikitilan ng tingga at pulbura? Ilang imprastraktura pa ba ang madudurog at lalamunin ng apoy hanggang maging uling at abo ang mga ito? Ilang balita pa ba ang sasapat para sabihin na ng mga tagapagtangkilik na “tama na?”

May nananalo ba talaga sa isang giyera? Eh pustahan, sa kalaunan ay mauuwi lamang ito sa isang pakikipagsundo di ba? Oo, pero mas okay na yun kesa magpatuloy pa ang karahasang nagaganap. Sa lumilipas na araw na ang tanging naririnig ng iyong tenga ay bala sa halip na musika, mas nakakatakot. Baka nga sa iba ay tila katapusan na ng mundo ang nararamdaman, at hindi mo masisis ang kanilang kapranigan pag nagkataon. Ikaw kaya ang makaranas na nasa gitna ka ng giyera, regardless kung alinman sa mga partido ka masangkot.

Sa totoo lang, walang nananalo sa isang digmaan. Lahat tayo ay talo sa sugal na ito. Lahat tayo ay biktima. May makaliligtas man, may masisira pa rin sa kanya – sugat man ito o trauma.

Oo, lahat tayo ay talo. Uuwing bigo ang lahat – may uuwi na may benda sa katawan; may uuwi sa kanila na tila tinamaan na nang pagkasinto-sinto; may ilan naman na uuwian ang seldang may malamig na rehas; may uuwi naman na magiging laman ng balita at magiging bukambibig ng mga tsismoso; at ang pinakamasaklap – may uuwi sa kanilang huling hantungan at nakapaloob sa isang ataul.

Oo, lahat tayo ay talo sa isang sabong na kung tawagin ay “giyera.” Kaya dapat, ititgil na natin ang putukan.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...