Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, September 4, 2013

Over-hyped?

9/4/2013 7:26:02 PM

“Balitang-balita sa radyong sira! Nahuli na si Janet-Napoles!” (switches dial)

“Mainit-init na balita! Nailipat na sa Fort Sto. Domingo si Janet Lim-Napoles!” (switches dial again)

“Bagong-bagong balita! Si Janet-Lium Napoles, nagkasakit!” (turned off my radio)

(Sabay lumabas ng bahay at lingon sa paligid)

“Uy, balita raw na si Napoles ay blah, blah, blah...”


Okay. Nahuli siya. Nailipat ng kulungan, at nagkasakit. At sa kalagitnaan ng mga nabanggit na pangyayari ay kaliwa’t kanang press conference at super duper media coverage.

Okay. Ayos sana eh. At least natututukan ng kahit papaano ang mga kaganapan sa pork barrel scam. Kaso parang sumobra naman yata tayo. Ano ba s’ya? Very important prisoner? Hindi ba dapat ay mas pinapansin natin ang mga ebidensya at whistleblower?

Hindi tuloy kataka-taka kung bakit umaangal ang mnarami ng “special treatment.” Kahit ilang beses pang kontrahin ito ni DILG secretary Mar Roxas. Maalala ko nga e, habang nakikinig ako sa programa ni BITAG sa radyo, may nagtawag pa dito ng “Ma’am” ng isa sa mga opisyal ng gobyerno.

Ano kamo? “Ma’am?” Teka nga, prisoner s’ya, ‘di ba? Wala namang gaguhan, please?

E pagbigay respeto lang yan. Oo, pero puwede naman siguro ang Misis Napoles, ‘di ba? Napaghahalataan kasi e. Nagmumukha pa tuloy na spokesperson ni Napoles ang mga ‘to na dapat e nasa sapatos na dapat ng kanyang abugado ang papel na ‘yun.

Kaya masisisi mo ba ang mga komentarista sa radyo at mga netziens, partikular na ng mga blogger na urat na urat sa super duper blow-by-blow account sa mga kaganapan kay Janet Lim-Napoles?

Nakulong na siya. Given. Nagkasakit na siya. Given. Pero baka naman mga simpleng gawain pa ni JLN e gagawin n’yo pang national item. Na parang ganito:

“JLN, binisita ng kanyang mga abogado. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila?!”

O ‘di naman kaya ay...

“Janet Napoles, lumabas ng detention cell niya! Para magpahangin!”

As in simpleng gawain lang, ginagawang big deal. Hindi pa ba enough na nilagyan ng CCTV ang bahay niya. 

At please? Sa gobyerno naman, huwag niyo naman kaming gawing tanga. Alam naman namin ang special treatment sa hindi .Yung iba nga d’yan, may banta rin sa buhay pero ‘di napapapanin ng mga awtoridad.


Maawa nga kayo sa sarili niyong pakulo na sarswela at moro-moro!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...