Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, September 4, 2013

May Bagong Sex Scandal! E Ano Naman Ngayon?

9/4/2013 5:08:50 PM

May bagong sex scandal na naman! Weh, ano naman ngayon?

Asus, ‘tong mga ‘to, parang hindi kayo nakakakita ng ganyan sa mga talambuhay n’yo? Aminin. Ang umangal ng sobra-sobra kung makapag-deny, halatang hipokrito.

Teka, ano pa bang bago sa usapin ng mga sex scandal? Maliban sa mga personalidad na involved? Wala naman e. Same acting lang. Tapos. Nakikipag-sex lang din naman.

Alam ko, malaking dagok ‘to sa bababeng EB Babe na kapartner ng komedyanteng si Wally Bayola sa naturang video (actually, sa lahat naman yata ng mga iskandalong nagiging viral hit e). At dagok din ito sa karera at buhay-pamilya ng lalake.

Pero tangina naman, wala na bang mapag-pyestahan ang karamihan sa mga Pinoy kundi ang lechugas na sex scandal na naman? Sabagay, maiba naman dahil nakakakaasawa na rin naman ang usapan ukol sa pork barrel scam at ang mga blow-by-blow account ng health condition ng porky queen na si Janet Lim-Napoles.

Sa nakalipas na dalawang buwan ay dalawa sa mga showbiz news items ay mga sex scandal. Yung isa ay kay Chito Miranda. Sa madalng sabi, hindi nab ago ang mga ito.At pag-pista ng karamihan sa mga ganitong balita ay nagpapatunay lang kung gaano sila kababaw, na mas pag-iinteresan ng mga mokong at lokang ito ang mga mababaw at kontrobersyal na bagay; kung gaano ka-taboo pa rin sa mga makikitid nilang utak at saradong kamalayan ang sex; kung gaano sila Katanga para maloko ng ilang mga opportunista (dahil panigurado may mga gagawa diyan ng mga taktika para malinlang ang tao sa pamamagitan ng mga sex scandal); at kung gaano kasiraulo ang ibang tao na nag-upload ng video nila.

As if para naming itong malaking sorpresang regalo sa iyo twing Pasko no?

Alam ko, kasalanan din sa mata nila na i-record ang ginawa nilang pagtatalik. E kaso, sa kabilang banda, walang basagan rin ng trip. Alam mo na nga na bawal, alam mo na nga na mali, ikinalat mo pa. Sino ang mas lamang sa inyo pagdating sa pagiging gago? Halatang pasikat ka rin e no?

Punyeta, ang daming problema ng Pilipinas. Ang daming kwentong dapat talakayin. Nagugutom ka na nga lahat-lahat, sex scandal pa rin? Mapapakain ka ba niyan?

O sabagay, hindi pa kasi alam ng mga ‘to ang karanasan na maging parte ng kung anu-anong kontrobersoya na tiyak na makapagbibigay ng kahihiyan sa pagkatao nila. Klahit hindi sa larangan ng sex scandal.
Pasalamat na lang dahil hindi pa naiimplementa ang cybercrime law. Bagamat may Republic Act 9995 para sa mga ganitong kaso.

Tama na ‘yang scandal na yan. Respeto kila Wally at dun sa babae.

Uy, may bagong sex scandal na naman!

Eh, ano naman ngayon? Parang hindi na bago ang ganyan. Kung makaipagtilian kayo ah.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

3 comments:

  1. respeto nga naman. kawawa na sila eh

    ReplyDelete
  2. I agree. Hindi naman na dapat pagpyestahan pa ang mga sex scandal na yan. Respeto na lang din sa pamilya ng mga nasasangkot.

    ReplyDelete
  3. masakit sa mata na makita na nag kakagulo ung mga tao sa issue na wala naman matutulong sa sarili nila.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...