Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, August 22, 2013

This Is Where Your Taxes Go

 8/21/2013 4:34:52 PM

May kasabihan: Kung ano ang binayad mo, yun din ang dapat ang matanggap mo. “You get what you paid for,” ika nga sa Ingles. Ganyan sana ang kalakaran sa ating bansa pagdating sa buwis.

Pero bilang isang parte ng middle class, isang malalaking grupo ng mga tao na nag-aambag ng halaga ng salapi sa ating bayan, saan nga ba napupunta ang ating buwis? Dapat sana sa mga imprastraktura at proyekto ng gobyerno ‘di ba?

Mali. Sa totoo lang, sa mga bagay na ito napupunta ang ating buwis.


Una, sa mga ganid na pulitko sa ating bayan. Maari na ang iba sa hanay nila ay matitino (which is no question, maganda naman talaga), pero ang iba d’yan ay pustahan, ibinubulsa lang at nilulustay sa kung anu-anong kagaguhan na may kinalaman sa kanilang sarili.

Kaya nga palagi na lang nakadikit sa salitang “politican” ang salitang “corrupt.” Kaya nga ang ilang mga kawani ng gobyerno din ay tinutularan na lamang sila dahil sa ganun na rin lang naman ang ginagawa ng nakatataas sa kanila (kaya nga uso ang kotong o lagay, ‘di ba?).

Bakit ganun? E hindi sapat ang sinasahod nila e. so, nakikita mo na ang isang malaking ugat ng korapsyon, e no?

Saan pa ba napupunta ang ating mga buwis? Sa mga proyekto rin naman e. Kaso ang problema lang ay karamihan sa mga pulitiko (na naman) ay mga bwakananginang “credit grabber.” Imbes na bigyan ng pagkilala ang mga taxpayer ay kiukuha ng mga mokong na ‘to ang due credit na para lang sa kanila.

Kaya nga umaalingangaw ang salitang ito: “Kapal ng mukha ni (name of politician). Kala mo pera niya ang pinangggatso dyan ah.” At d’yan nag-umpisa ang “epal” na isa pa ring panukala ni Senator Miriam Defensor Santiago matapos ang iasng taong pag-alingawngaw sa sirkulasyon ng mga balita.

Maliban sa pagiging bakaw ng mga pultiko sa pamamagitan ng kanilang higanteng pangalan at kakapalan ng mukha, saan pa ba napupunta ang buwis natin?

E di saan pa, sa mga gahamang tao sa ating lipunan. Tulad na lamang ng isang negosyante na may lehitimong kumpanya, pero may mga bogus na non-governmental organization (o NGO). Samahan mo pa ng sandamukal na property at bank accounts na pinasa na n’ya sa mga kaanak. Kaya tuloy nahalngkat din ang maragbong lifestyle ng anak n’ya.

Mantakin mo na kaliwa’t kanan pala ang paghingi niya ng salapi mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at samu’t saring mga personalidad sa larangan ng pamumulitika. Tapos, ibubulsa na lang niya yun at hindi napupunta sa mga dapat mapuntahang mga poryekto at benepisyo? Bwakananginangyan.

So, this… is where your taxes go.

Ah, dun lang pala e. E kung mawalan kaya ng gana ang taumbayan sa pagbabayad ng buwis dahil sa kanilang pagakabuwisit sa mga kaganapan? Aba ay don’t tell me na pag nagakaton yun ay hahabulin pa ng Bureau of Internal Revenue ang bawat tax evader sa ating lipunan?

Paano ka nga naman kasi magbabayad ng karampatang buwis kung hindi naman nakararating sa ‘yo ang mga benepisyong dala nito? Tignan mo nga, mas malaki pa nga ang binabayad ng mga guro kesa sa mga medical professional? Samanatalang ‘di hamak na mas mataas ang buwis ng nahuli kesa sa unang nabanggit? Gaguhan ba ito?

Kaya nga ganun na lang din naman ang alburoto ng mga nasa middle class (sa pamamagitan ng social media) noong naibalita na bibigyan pa ng mahigit 18 libong piso ang mga informal settler? Ayos ah, pera namin yan ah. Tapos sila at sila lang ang makikinabang sa pinagpauguran namin sa halip na kami dapat muna? Pucha, hindi [atas sa amin yan!

Kaya kung tutuusin, kawawa naman kami, sila at tayong mga nagbabayad ng buwis. Nakawawalang gana tuloy na maging makabayan sa pamamagitan ng gano’ng pamamaraan man lang. Tsk.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...