Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, August 5, 2013

Pacquiao For President? WHAT?!

8/1/2013 12:49:08 PM

Tama. Ang isang batikang boksingero na naging kongresista, may planong tumakbo bilang pinuno ng bansang Pilipinas sa 2016. Tama, ang tinaguriang pambansang kamao at ang dati rin na binansagang “pound for pound king” na si Manny Pacquiao, ay nagsalita na possible raw siyang tumakbo bilang Pangulo ngating republika sa susunod na national elections.

ANO?! What the hell? Seryoso?!

Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.


Oo nga. Exaggerated naman nito. Pero kung ganun man ang mangyari, hala. Hindi kaya magkakabanggan sila ni Vice President Jejmoar Binay niyan? Pareho kasi sila na partido e, parehong mga kasapi ng United Nationalist Alliance o UNA. At may plano rin tumakbo ang dating long-time mayor ng Makati. Sa malamang ay dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari d’yan: either (1) ang isa ay magbigay-daan na parang ginawa ni Mar Roxas kay Noynoy Aquino; o (2) isa ay lilipat na naman ng paritdo, at tingin ko pag nagkataon ito ang mangyayari kay Manny.

Oo, baka lumipat siya ng partido pag ganun. Panibagong bulyaw na naman ng “balimbing” sa kanyang pangalan ito, dahil mula noong sumabak siya sa pulitika ay ilang beses na rin siya nag-patintero sa mga kampo.

Pero, seryoso ba ‘to?

Oo nga, kulit. Kaso, ano naman mangyayari pag nanalo siya? Una, ibig sabihin lang nito na maraming mangmang at ignorante ukol sa pulitka sa ating bansa. Pangalwa, hindi ko alam kung ano o anu-ano ang kanyang proyekto maliban pa sa kanyang hangarin na gusting tumulong s akanyang kapwa. Masyadong broad ang ganoong hangarin.

Pero… pasensya na kung makulit ha, pero… seryoso ka ba talaga sa balitang ito?

Pucha. Anak ng putakte naman, oo nga!

At ano naman ang magiging epekto nito sa atin pag tumakbo si Pacman?

Na ganito katindi ang kapangyarihan ng demokrasya, pati na rin ng sobrang basic na alintuntunin para sa isang tao na magiging kandidato ng bansa. At ganito rin katindi ang mundo ng pulitika. Kahit ang porbeng sportsman na naging kampeon, kaya nitong paikutin ang mata. Mas malakas pa sa uppercut ng kanayng kamao.

Mahirap nang makisawsaw sa isyung ito. Masyadong kumplikadong pag-usapan ang pulitika sa ating bansa. mapapagkamalan ka pang utak talangka sa kakabira ng “seryoso?”

Pero, congressman dati at ngayon, tapos pangulo bukas? Parang yung mga pulitiko na nananlo kahit sobrang ambisyoso ang datingan ha? ‘Di ba pwedeng senador muna?

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...