Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, August 10, 2013

Must Die or Must Exist: First Half of 2013’s Major Trending Hits.

8/3/2013 12:44:50 PM

Maraming nauusong bagay sa ating mundo kada taon, ke artista man yan, programa, kanta, libro o kung anuman. At narito ang ilan sa aking patutsada sa mga ito. Well, iko-correct ko lang, sa mga pumatok sa unang kalahati ng taon ngayong 2013.


:poop: emoticon sa Facebook

Siguro sa una, papatok talaga ito. Kaso nakasasawa na rin in a long run e. Kaya nga minsan nagmumukhang madumi ang mga chat box ko sa fb, lalo na kapag nagkakaroon ng conversation sa mga Facebook group. Buti na lang, may tatlo akong option: linisin ang usapan, i-turn off ang chat para sa akin, o ang umalis sa mga grupong ito.

My verdict: must die.

Gentleman

Since sobrang gasgas na ang Gangnam Style ni Kuya Psy, na hindi naman nagunaw ang mundo matapos umabot ang video ng kantang yun sa isang bilyong views (aus, nagpapaniwala kayo dun? Ano kayo ngayon, nganga?), may second single siya na pumatok din naman… kahit papaano. At least hindi siya one-hit wonder. Dahil isang malaking bullshit yun kung nagkataon para sa kilalang Korean rapper. At kahit papaano ay may naiintindihan pa naman ako

My verdict: Must exist kung kaya mong sayawin ‘to. Must die kung magpapaka-TH na sayawin o kantahin ‘to.

Harlem Shake

Dahil sa isang blogger ay pumatok ang videong ‘to (kaya Titosen, never ever under-estimate ang kapangyarihan ng isang blogger), ay naging worldwide hit ang sayaw na ito. Halos sinuman na andun ay may kanya-kanyang 30-ish seconds of fame.

Pero sa totoo lang, mas okay pa ang Harlem Shake ni Bogart e.

At ano ba ang meron sa Harlem Shake na ito? Parang gumala ka lang naman sa bar e. yun nga lang, ilang segundo na isa lang ang sumasayaw at the next time around ay party-patry mode na ang karamihan. Pero, ang labo pa rin e. Parang tanga lang.

My verdict: must die.

Gwiyomi

Isang banyagang kanya na pinatugtog minsan at napauso sa tulong ng mga tulad ni Vice Ganda. Kaso, ano anman meron dito? Nyemas, isa ring malabo at sobrang ampaw na pagpapansin? Unless kung cute ang nagpapansin tulad ni Alodia Gosiengfiao.

My verdict: must die, unless cute yung nagi-Gwiyomi

Hashtag sa Facebook

Ano ‘to? Nakigaya sa Twitter?  Pati na rin sa instagram at Tumblr? Wala nang mahabang paliwanagan!

My verdict: depende sa paggamit. Must die kung for fame-whore’s sake and purpose lang ito gagamitin.

Nasa ‘Yo Na Ang Lahat

Sa lahat ng kanta sa Himig Handog Love Songs, ito ang mas pinansin. Anyare sa mga tunay at talagang panalo sa patimpalak na ‘yun? Sobrang patok nya mina-mock na ang pagkanta nito. Sinubukan ‘tong pakinggan ng inyong lingkod. Isa lang masasabi ko…. So mainstream. Eww!

My verdict: must die, definitely must die (kung sa bulok ang istilo ng pagkanta niyan ha?).

Ang racist jokes against Nancy Binay

O, asan ang mga nanlait sa kanya? Hinuhusgahan nyo siya kasi gamit ang kanyang balat e. kung naging matalino lang sana kayo sa pagpuna. Nanalo na s’ya habang kayo at tayo, nganga.

My verdict: must die. Mag move-on na yung mga taong hindi makapag-move on.

Iron Man 3

Hindi kataka-taka na ito ang pinakamainit na pelikula nitong summer sa ating bansa. talong-talo ang It Takes A Man And A Woman dito. Hindi dahil sa banyaga o colonial mentality. Dahil sa dating ng kwento mismo. sad nga lang, wala nang Iron Man 4. Pero okay lang yun. Epic naman ang pelikulang ‘to e.

My verdict: must exist.

It Takes A Man And A Woman.

Dahil sa quotable quotes at pagpapatuloy ng kwento ng tandem ni Sarah at John Lloyd, kumita na naman sa takilya ng lokal na sinehan ‘to. Kaso, leche, love story na naman? Can we get something better than this?

My verdict: must die.

Minions

Bagamat unang araw ng July nagsimula ang ikalawang pelikula ng Despicable Me, unang kalahati pa lang ng 2013, nagsisimula nang maging maingay ang mga makukulit na nilalang na ito. Magmula pa nga lang noong nilabas sa YouTube ang mga trailer nito noong late 2012 e.

At noong Hunyo, ayan na. dumami ang bentahe ng Happy Meal, dumami ang mga laruan na minion sa mga tindahan. Naglipana ang mga ad ng DM2 sa mga sasakyan at dyaryo. Paunang hype na, na nasustain naman hanggang sa buwan ng Hulyo. At pustahan, sa hulian ng 2014 o simula ng 2015, magiging trending na naman ito.

My verdict: must exist

Man Of Steel

Umarangkada na naman si Superman. Yun nga lang, nasapawan nito ang independence day ng ating bansa.

My verdict: must exist, pero sana naman next time (tutal may sequel na ‘to) ay wag ituon sa national holiday ang screening.

Fast and Furious 6

Maliban sa astig na pelikula, astig rin ang pag-istambay ng mga tropa ni Vin Diesel sa bansa (siyete, bakit hindi ko nalaman na andito pala ang kambal ko? LOL). Partikular na yung paggala ng kalbong hunk actor na ito sa mga kalye ng Metro Manila (kunsabagay, ‘di rin makakapaglag ang sinumang magtangka na mag-snatch ng gamit niya dahil sa mala-bouncer niyang katawan). One hell moment to remember.

My verdict: definitely must exist.

NBA Finals

Ay, palagi naman ‘to e. kunsabagay, nagiging maingay ulit ang mga haters ni LeBron (ironically, parang mag alikabok lang din ang mga yun nung andito siya), at ang mga diehard fans niya.

Pero mainit din ang bakbakan kahit tila scripted ang datingan. At nagkatalo lang nung Game 7. Yun nga lang, parang may post-finals-game-syndrome ang mga fans ng parehong koponan.

My verdict: must die, dahil tapos na ang laban. Move on move on din ‘pag may time.

Just Give Me A Reason

Isang dahilan kung bakit kahit papaano ang love song ay matitino pa. salamat sa duet nila Pink at Nate Reuss ng Fun. Yun nga lang, hindi na rin ako magtataka kung magiging laman ito ng videoke sadarating na panahon at magiging kadalasang kinakanta ng mga adiksa videoke pag nagkataon.

My verdict: must exist

Pusong Bato

Kung tutuusin, last year o 2 years ago pa nga yata ‘to e. Kaso sa paligid ko, parang di pa rin makamove on sa kantang ito. Kapag may party nga e, hindi mawawala ito sa mga kinakanta ng karamihan. Naalala ko nga noong Pasko e na sa loob ng halos 2 oras, ito at ito lang ang kinakanta ng sinumang nagbi-videoke nun. buti na lang at hindi “My Way.”

Kaso, pucha… nakababato na rin ‘to e.

My verdict: must die kung nakabato ang kumakanta nito sa videoke. Pero must die na rin talaga anyway.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...