Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, August 5, 2013

Just My Opinion: BOC Corruption

8/5/2013 1:07:11 PM

Saan kayo nakakakuha ng kapal ng mukha?” Yan ang isang matunog na bira ni P-Noy sa isa sa mga tiwaling grupo sa kanyang pamhalaan – ang Bureau of Customs. Walang pakundangan na tinira niya ang BOC sa kanyang State Of The Nation Address nitong Hulyo 22, 2013.


Ilang oras matapos ang maanghang na remark na yun ay nagtangkang magbitiw sa kani-kanilang mga puwesto ang mga pinuno ng naturang kagawaran na sila Ruffy Biazon at Ret. Gen. Danilo Lim. Bagay na hindi naman tinanggap ng Malakanyang.

Dahil dito, ay magkakaroon ng matinding balasahan ng tao. Kaya inutos ni Biazon sa 54 na port collector na bakantehin ang kanilang posisyon. Sa huling kaganapan na napanood ko sa isang Aug. 2, 2013 episode ng programang Dokumentado ng Aksyon TV ay 53 sa mga ito ang umalis sa kani-kanilang mga inuupuan. May isa pang hindi nagpapasa ng courtesy resignation letter.

Matinding balasahan ‘to at mukhang gabundok na trabaho ito mula sa kainilang pinuno. Kung papakinggan naman ang mga sari-saring patutsada mula sa kumentartista, wala sa mga nasa itaas ang problema. Kung tutuusin, posible pa nga na nasa ibaba ang sali-saliwang gawain ng corruption.

Nasa lagay na sistema rin, maliban sa mga literal na smuggled goods (as in hindi nagdedeklara ng tama ang kanilang kargada para lang makalamang sa pagbayad gn tamang buwis), at kung isasali pa rin ang mga nasa matataas na pwesto – ang sistema ng padrino.

Ayon sa isang pahayagan ay may three kings na tinatawag ang ilang mga padrino sa Customs. Bagay naman na pinabulaan ng mga personalidad na sangkot at kahit ang Malakanyang.

Ganun? Sa tingin ko, matira matibay ang mga makakapal ang mukha sa hanay nila. Kung corruption lang ang usapan, malamang na nasa mga piling tauhan ang may problema. Kung maalala niyo ay may nabalita dati nna isang empelyado ng Customs na tila nag-amok sa SLEX at binaril ang isang estudyanteng nagmamaneho din ng sasakyan. Ano ang dahilan? Nagkagitgitan lang naman sila sa superhighway na ‘yun.

Ano na kaya nangyari sa mokong na ‘yun? Sana naman ay niliha na niya ang makapal niyang mukha.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...