Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, August 10, 2013

Just My Opinion: Anti-Meme Bill

8/9/2013 9:41:13 AM

Sa kabila ng mga pang-aasar na ibinabato sa kanya, marami namang naiisip na bagong panukala ang bagitong senador na si Nancy Binay. Nariyan ang pagkakaroon ng 15-minute break para sa mga taong maghapon na nakatayo ang trabaho, ang e-VAW o Electronic Violence Against Women bill. Pero ito ang mas lumikha ng ingay sa lahat ng kanyang ipinanukala sa ngayon – ang tinaguriang anti-Meme bill.

Naglalayon ang kontrobersyal na panukala na ipagbawal sa social media ang pagpopost ng nakakatawang litrato. Bagay naman na inalmahan ng karamihan.

Aba, ang mga meme o katatawang litrato sa Facebook, Twitter, Tumblr at iba pang social networking account, ipagbabawal mo? Seryoso ba ‘to? Sa ganitong panukala ni Binay ay mapapansin ang dalawa sa mga unang rekasyon ng mga kumokontra:


Ang daming problema ng Pilipinas, bakit ang mga meme pa ang nagawang putaktehin ng babaeng ito? Oo nga naman kasi, hindi naman lahat ng mga Pilipino ay may Facebook account o ni Twitter man lang. Kung tutuusin, maaring bilang na lang sa atin ay hindi nga alam kung ano-ano ang mga yan, pero pustahan, karamihan din sa atin ang hindi alam ang wastong pagagamit sa mga yan.

Pikon si Binay kaya n’ya naipanukala ‘to. Ganun? Napakaseryosong tao. Kunsabagay, ikaw ba naman kasi ang putaktehin ng sari-saring kalokohan ng ilang mga netizen e, lalo na noong nakaraang eleksyon. Subalit sa kabilang banda, ang punto nito ay para ipagtanggol ang mga kawawang nilalang na laging nagiging subject ng mga meme.

Hindi na ako magtataka kung susuporta ang iilan dito (actually, kahit ang inyong lingkod at sang-ayon sana dito, kung sobrang foul na sa pangtitrip ng karamihan sa akin) dahil hindi alam ng karamihan kung gaano katindi ang pakiramdan ng mapahiya at ang mahusghan ng kapawa user mo sa mga social networking site hangga’t hindi nila naranasan ‘to ni minsan.

At d’yan papasok ang pagpuna o pagkondena sa ilang mga siraulo na walang ginawa kundi mangtrip ng iba kahit hindi na nakakatawa. Tapos, pag may umalmang napikon ss mga biro nila, aasarin pa ng mga ‘to na keso makitid ang utak at kung anu-ano pa.

Bottom line, ang alam ng maraming tao ay magpost ng magpost, at walang pakialam kung nakakatapak na sila ng ibang tao sa mga kalokohan nila. hindi nila alam ang responsibilidad at kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng social media.

Pero ang problema kasi ay maraming mga miyembro sa mga social networking sites ang mga likas na siraulo. TROLL kung tawagin. As in ganun talaga sila. At kung sakali man na maipasa ‘to, good luck sa atin mga netizens.

Pero… asa ba naman na maimplemeta ‘to pag nakataon. Marami ngang batas sa ating lipunan, ke sa totoo man o virtual na mundo, ang hindi nga naipapatupad ng maayos e. hindi ko na kailangan magbitaw ng halimbawa dahil ikaw mismo kung mapagmasid kang tao ay mapapansin mo ‘yan.

Ayos sana kung sa mga batas na nagsusupil sa mga uploader ng mga sex scandal na lang ang dapat tinira ng panukalang ‘to e. Kaso, funny photos? Oh, come on! Marami pang dapat supilin nag ago sa lipunan, maliban sa pagto-troll ng iilan. Dahil cybercrime law nga hindi magawang maipaimplementa o ni manalo sa argumento, yan pa kaya? Kung paigtingin na lang kaya ang batas na may saklaw sa mga iskandolosong video, baka matuwa pa kami.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...