Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, August 5, 2013

Ang Scandal At Ang Pagiging Tunay Na Lalake ni Chito Miranda


8/5/2013 1:47:06 PM

Isa sa mga matitinding problema na posibleng makasira sa pagsasama ng ating mga karelasyon ay ang pagkakalabas ng isang “sex scandal.” Ito ang realidad ng buhay: marami ang nahihilig na panoorin ang bidyo ng pagtatalik ng dalawang magkasintahan; pero pag ikaw ang pinagpepyestahan, sa malamang ay baka mahiya ka nang sobra-sobra sa buhay mo.

Buti pa si Alfonso “Chito” Miranda Jr. e. Isang tunay na lalake kahit na malaking pagkakamali ang nagawa niya sa panahon ngayon. Ang pagkalat ng sex video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.
 
screen grab mula sa instagram account ni Chito Miranda
Bakit ko nasabi na isa siyang TNL? Simple lang. kahit hindi niya kasalanan ang lahat, umamin siya ng paumanhin. Humble kung maituturin. Mapagpakumbaba. At makikita ang menshae ng kanyang paghihingi ng paumanhin sa kanyang instagram account.


Bakit kasi nila ginagawa ‘yun? Kung tutuusin kahit ang inyong lingkod ay kontra sa ginawang ‘yun ni Chito. Bakit mo pa kasi sasariwain sa video ang lahat kung sa aktwal na gawain n’yo ay mas ramdam ang ligayang nadarama ‘di ba? Maliban pa siguro yan sa usaping machismo.

Pero sa kanila na yan e. Walang basagan ng trip. Wala tayong magagwa kahit paulanan natin ng batikos ang bokalista ng Parokya Ni Edgar. Una, relasyon nila yan. At pangalawa, fan tayo. Buti sana kung kamag-anak o tropa natin ang alinman sa mga pamilya nila.

Mali man ang ginawa yun ni Chito, malinaw rin naman na ang may malaking pagkakasala dito ay ang magnanakaw ng kanyang Hard Drive. Hay naku, ang mga mapagsamantalang tao nga naman oh. Okay lang sana kung ninakaw lang yung HD tapos itago na lang ang mga makakalap na file dun e.

Kaso likas kasi na siraulo ang iilan e. Parang yung ilang mga admin ng mga pages sa Facebook. Mamumutakte ng mga litrato ng iabng tao tapos ikakalat sa social media para lang makabenta ng likes at comments.

Naalala ko nun na may kumalat din na isang pangboboso na video nun tungkol sa magkasintahan na nag-cutting class. Naghalikan sila hanggang dumating sa punto na halos magtalik na rin sila. Hindi porket nasa kubo sila at maituturing na publiko pa rin na lugar yun, ay kukunan mo na ng video para pahiyain ang mga loko at loka. Kung totoo man ang mga ugong-ugon na kwento nun ukol sa babaeng involved sa video na yun nun o hindi, ang masasabi ko ay bobo’t tanga ang uploader nun. Hindi sila responsable sa mga bagay na pinopost nila e. Basta makabenta lang. Mga fame-whore, ika nga.

Kung iniidolo ng mga ‘to si Chito Miranda, dapat lang din na mag-sorry sila. Kaya kung tutuusin, hanga pa rin ako kay Chito at dalawang kamay akong sumasaludo at nagbibigay-respeto sa kanyang katapatan sa kontrobersiyang ‘yun.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

3 comments:

  1. Respeto para kay sir chito TNL saludo! Idol pren khet anung mangyare

    ReplyDelete
  2. Agree. Parang pinrotektahan na rin niya ang girlfriend nya. :) HEHE!

    ReplyDelete
  3. In every situation there's a reason kaya siguro nangyayari to s kanila para yayain n ni chito mg pakasal cla ni neri. Bagay nmn sila.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...