Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, July 16, 2013

Playback: Sir Rex Kantatero – Pare

7/16/2013 | 7:55:35 PM | Tuesday

Isa sa mga tanyag na parodista sa kasalukuyang panahon si Byron Racamara, o mas kilala bilang si Sir Rex Kantatero ng istasyon ng radyo na iFM. Ang kahati ni Pakito Jones sa parody duo ng Kamote Club sa naturang istasyon. Pero hindi parody ang usapan natin sa puntong ito.


May sarili siyang kanta, bumebenta na nga ito sa airplay ng istasyon at pati na rin sa mga download ng mga kanta sa iTunes e. Pare, tumutukoy lang naman sa lihim na pagtingin ng isang bading sa kanyang… well, kumpare. Bagamat orihinal niyang kanta ang “Pare,” hindi na rin bago ang tema ng kanyang mga kinakanta, parody man o original. Isa kasi ang mga pagiging bading sa mga kwento na kinekwento nila sa pamamagitan ng musika.


Well, at least hindi lang pala siya pang-parody lang. Kaya ang katabaan ng kanyang utak sa paggawa ng mga bagay ay nagpatunay lang sa kanyang kakayahan bilang isang DJ-slash-station’s spot producer-slash-internet sensation.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...