Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, July 20, 2013

Just my opinion: Sex-for-fly Scheme

7/19/2013 6:54:27 PM Friday

Nakalulungkot nga lang isipin na sa kabila ng paghihikaos ng ilang mga mamamayan na maiahon sa kahirapan ang mga pamilya nila sa Pilipinas, meron namang mga mapagsamantalang nilalang na kababayan pa natin mismo.



Naging maingay ang kaso ng sex-for-fly scheme matapos itong umalingawngaw sa balita. Aniya, mga opisyales pa nga ng mga konsulado sa mga bansa sa Gitanng SIlangan ang sangkot at itinuturong mga suspke sa pananamantala. Walang pakundangan na nagsalita ng live sa isang newscast ang tatlo sa mga bkitma nito, bagamt itinago ng naturang newscast ang kanulang pagkakakilanlan para maprotektahan sila.

Pero kung tutuusin, hindi na bago ang mga ganitong pangyayari. Sa isang ulat kasi, noong dekada ’90 pa nga ito nagiging parte ng mga ulat. Siyempre, dahil kontrobersiyal ang sex, maraming naging curious. Bagamat sa panahon ngayon, marami na ang mga taong hindi itinuturing bilang taboo ang sex.

Subalit, ngayon na tila tahimik na naman ang ganitong isyu, ano na nga bang nangyari? Nahatulan ba ng wasto ang mga pinauwing sangkot sa sex-for-fly scheme na ito? Kung ganun, dapat lang. Napakalaking kahihiyan kasi ang ginawa nilang pananamatala sa kanila. Palibhasa babae kaya tingin nila wala itong kalaban-laban, walang karapatang magsalita. Oy, iba na ang panahon ngayon.

Ang nakapagtataka lang, kailangan ba talagang gawing bugaw ang mga ito kung gusto lang nilang makatulong sa kanilang mga kababayan? Ito kasi yan e, para mo siayng sinakyan na mala-biayheng langit, bago mo siya pinabyahe pabalik sa bansa? O baka naman tigang na rin ang mga ito?

*chills* Ang labo lang.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...