Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, July 24, 2013

Just My Opinion: 4Ps and CCT

7/24/2013 7:44:46 PM

4Ps, sadyang nakakatulong nga ba sa ating mga kababayan? Ano sa tingin nyo, mga ‘tol?

Kung di ako nagkakamali ay una itong naging pamilyar noong panahon pa ng panunungkulan ng Oangulong Gloria Macapagal Arroyo. Bago pa man kasi matapos ang kanyang termino, puspusan na ang mga plataporma at proyekto ng Department of Social Wlefare and Development para hagilapin ang bawat pamilyang nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. Yung mga tipong kapos sa pamumuhay, mas nagugutom ang sikmura.

Dito nga nabuo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o 4Ps. Kasama na rin sa 4Ps na ito ang CCT o ang tinatawag na Conditional Cash Transfer program. Naisakatuparan nga lang ito noong panahon ng panunungkulan ni President Noynoy Aquino.

Sa CCT, makatatanggap ng salapi pangutlong ang bawat pamilya. Pero ito ay may kaakibat na kundisyon, at ang mga kundisyong ito ay may kinalaman para sa kanilang welfare, kabilang na d’yan ang  pagpapanatili sa ayos ng kanilang edtado sa mkundisyon ng klanilang kalusugan, at ang pag-aaral ng kanilang anak.

Minungkahi pa nga ng isang senador na dagdagan pa ang maibibigay para sa mga ito, partikular na para sa pag-aaral ng isa sa kanyang kolehiyo

Ganun? Okay sana ang proyektong ito. Pero kunsabagay, sinasala rin naman na ng DSWD ang mga pamilyang karapat-dapat na bigyan nito. Malungkot nga lang siguro na hindi lahat ay makatatanggap nito dahil ang iba kasi sa mga mahihirapna sektor, kung hindi nanamantala, e gumagarapal din sa pag-aabuso. Tulad na lamang daw ng iilang pamilya na pag nakatanggap na ng salaping biyaya ay inuubos naman ito sa kanilang bisyo tulad ng pagsusugal, at kung anu-ano pang hindi kanais-nais na bagay.

Pero kung tatanungin ako kung permanenteng solusyon ba dapat ang CCT? Sa malamang, hindi, at hindi ito dapat maging long-term solution. Bakit kanyo? Marami pang mga bagay na dapta pang pagutuunan ng pansin ang bawat buwis na binabayaran ng isang may-kayang mamamayan. Umalburoto na nga sila sa 18 libong piso na ipapamahagi a mga informal settler e. parang ang dating kasi tuloy ay, “teka, kami ang naghirap at nagbayad ng buwis ah. Bakit hindi namin maramdaman ang mga inaambag namin? Lalo lang kami nagiging mahihirap!”

E kaso kasi tungkulin din ng ating pamhalaan ang pangalagaan ang mga mamamayan na kapos a pamumuhay. Ganun? Oo, ganun nga. Tulungan na lang ba.

Ang problema lang kasi, baka yung iilang mga pamilya ay tuluyang umasa sa biyaya ng gobyerno sa halip na dapat ay magslibi sanang phunan ito para makaahon sa kanilang buhay, kahit sa mabagal na pamamaraan lamang.

Yun nga lang ang problema. Sa kabuuan, okay tong CCT pero sana sa pagdaan ng mga panahon, may mas magandang programa pa ang 4Ps na hindi magreresulta sa “pera” na lang ang magiging solusyon. Hindi madaling kitain to. Kaya kahit sinong nagbabayad ng buwis ay talaga namang nagiging metikuloso pagdating dito, lalo na’t sa paglipas ng panahon, tumatalamak ang mga kaso ng korapsyon sa ating bayan.

Huwag lang sana tayo palaging mag-resort sa “band-aid solution.” Dahil tiyak hindi ito ang magandang paraan para sa inaasam anting “pagbabago.”


Author: slickmaster | ©2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...