Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, July 24, 2013

Ang Kontrobersyal Mo

7/24/2013 3:33:03 PM

Suspendido sa loob ng limang buwan si Mohan Gumatay, mas kilala bilang si DJ Mo Twister. Ipinataw ito ng istasyon ng kanyang pinaglilungkuran sa kanya.

Naku, ano na naman ang kinasangkutan ng mamang ito? E ikaw ba naman ang magtalakay ng sex sa palabas mo sa umaga e.

Yun lang? Hoy, anong “yun lang?” Sino ba namang nasa katinuan ang magbabato ng sex bilang topic sa radyo sa pagitan ng alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga? Pampagising nga ng dugo pero wala naman sa hulog ang datingan niyan. Lalo na’t hindi naman masa ang target audience mo; at kahit nga masa station e hindi basta-basta pinag-uusapan ang alinamng bagay na may kinalaman sa sex e.


Nadamay pa tulyo sa suspensyong ito si Tin Gamboa, o mas kilala bilang si Suzy, bagamat nasa ibang time slot na siya nagpoprograma.

Kung tutuusin, hindi na bago ang maharap si Mo pagdating sa mga kontrobersiya at suspension. Maalala ko nga noong 2007 e. Minsan siya nasusupinde dahil sa kung anuman ‘yun, doon nga ulit nagsimulang mabuhay ang programang Boys Night Out na noo’y kinabibilangan ni King DJ Logan. At hindi pa BNO ang pamagat nila nun, dahil 6-9 am ang slot nila.

Pero speaking of BNO, minsan na rin sila na kamuntikang masuspinde sa pagpoprograma sa ere. Dahil ito sa minsang pagwika ni Sam YG sa acronym ng Benigno Aquino Youth Actuon Group noong 2008. In short… ops, kayo na lang magbasa nun. ayaw kong madamay d’yan. Haha!

Three months dapat sila mawawala sa ere. Buti naman hindi nangyari dahil ang mga hist na mismo ang nagseself-censure sa mga sinasabi nila.

E ayun naman pala e. Dapat maging bukas na lang ang kaisipan ng mga tao pagdating dito. Hindi yun ang punto, pre. Kung walang habas ka naman kung magsalita tulad ng nasuspindeng DJ nay un, good luck talaga.

Balik tayo sa kanya. Hindi na bago ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya palagi. Noon, nagkaroon na rin sila ng hidwaan ni Maui Taylor na naging host din niya pansamantala dahil sa isang insidente sa kanyang programa nun. tapos nagka-away pa nga ang mga co-host niyang sila Grace Lee at Angelicopter. Nasangkot pa nga sila ng kanyang iba pang co-host na sila Suzy at Mia Bayuga sa diumanong paglalahad ng sextape ni Charice pempengco, bagay naman na hindi talaga totoo at tahasang pinabulaanan ng naturang artista.

Maliban pa d’yan ay nakakasagupa n’ya palagi ang kapwa showbiz press personnel na si Nay Cirsty Fermin, bago pa man sila nagkaayos at nagsama sa isang programa sa TV 5.
At maalala ko rin ang mga saloobin ng isa sa mga pinakakasama n’ya nun sa Good Times na si Mojo Jojo. Kunsabagay, noong panahon na nakakapakinig pa ako sa kanila e kawawang-kawawa si Mojo Jojo kay Mo. At sa panahon na absent sa trabaho si Mo, siya namang kinamotivate ni Mojo Jojo na magtrabahao, bagamat hindi ko trip ang istilo ng paghohost niya sa programa nun.

Pero maraming isiniwalat si Mojo Jojo, na sinagot naman ni Mo. Nakpaloob ito sa dalawang serye ng interview ng Philippine Entertainment Portal sa kanilang dalawa.

At sino pa bang tsismoso at tsismosa ang hindi makalillimot sa relasyon nila ni Rhian Ramos? Kaya sa totoo lang, masasabing tama na rin ang hakbang na ito ng Magic 89.9 sa kanya. Kalimutan mo na ang katotohanang naging pamoso sila dahil karamihan sa mga jocks nila e nagiging bigating personalidad tulad na lang ni Andi Manzano, Jessica Mendoza, Riki Flores, Boom Gonzalez, Aaron Atayde, at ang hosts ng Boys Night Out na sila Slick rick, Tony Toni at Sam YG.

The thing si isa na ang Magic sa mga game player pagdating sa CHR radio. If they want to keep the quality programming into their frequency, do so. Mo’s a great guy sana, kaso he have to realize na kahit he’s dong broadcast from New York, he still has yet to learn the ropes of radio broadcasting here in the Philippines. Hindi pwede ang bira ka ng bira ng sex. Tignan mo nga si Papa Jack, anong oras na niya binabalandra ang wild Confessions niya? Pati noong panahon na nagke-kwento ng sex stories si Asia Agcaoili nun sa 89.9?

Ibig sabhin, lahat may tamang oras. Kahi sex pa ang usapan sa radyo, dapat may tamang oras. Kung gusto mong ibahin, good luck kasi talagang sisikat ka, kaso sa bad side nga lang.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...