Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, June 10, 2013

What the hell?!

7:37:13 PM | 6/10/2013 | Monday

Ayan na naman tayo. Umandar na naman ang pagiging senstive ng karamihan sa mga Pinoy sa isa sa mga isyu na may kinalaman sa kabulukan ng Pilipinas.

Ang Maynila, tinaguriang “Gates Of Hell”  ni Dan Brown???

O tapos, ano na? Ano naman kung tinaguraing “Gates Of Hell” ang Manila?
Ayon kasi sa librong Inferno ng naturang awtor na si Dan Brown…

The capital city is full of “six-hour traffic jams, suffocating pollution and horrifying sex trade.” Dr. Brooks tells readers she has “run through the gates of hell” after nearly being raped.

(Ito naman ang mahaba-habang version ng tinaguraing “Gates Of Hell” part ng Inferno.)

Brooks, who has been working with humanitarian groups, went to the Philippines for a mission to supposedly feed poor fishermen and farmers on the countryside.
She expected the Philippines to be  a “wonderland of geological beauty, with vibrant seabeds and dazzling plains.”
Upon setting foot in Manila, however, Brooks could only "gape in horror" as "she had never seen poverty on this scale."
She said her “dark depression” flooded back, with pictures of poverty and crime flashing through her eyes.
“For every one person Sienna fed, there were hundreds more who gazed at her with desolate eyes,” the book read.
One after the other, the book described chaotic Manila: "six-hour traffic jams, suffocating pollution, horrifying sex trade."
The book described the sex industry as consisting mostly of young children “many of whom had been sold to pimps by parents who took solace in knowing that at least their children would be fed.”
“All around her, she could see humanity overrun by its primal instinct for survival…When they face desperation…human beings become animals,” the book read.
The book went on to detail a turning point in Brooks’ life. “I’ve run through the gates of hell,” she said.
Traumatized, Brooks “left the Philippines at once, without even saying goodbye to the other members of the group.”

By the way, ayon sa isang artikulo na nakapagbasa ng naturang libro, ang nobelang ito ay tinatampok ang Harvard symbolist na si Robert Langdorn, at si Dr. Sienna Brooks, isang 32-anyos na babae at kanyang kasama. Si Langdorn ay isa rin sa mga protagonist o main character sa mga akdang “The Lost Symbol” at “Da Vince Code.”

O tapos? Ano na ang iaalma natin? Parang tama rin naman ‘di ba?

Whoops. Panay negatibo kasi ang tingin ng ilang mga banyaga sa atin e. Bakit hindi nila gayahin si Paulo Coelho, na pinuri naman ang ating bayan nung minsa’y bumisita siya? At take note. Siya, bumisita sa Pilipinas; si Brown, hindi.

Ngayon, ano siya? Isang mapaghusgang tanga, dahil hinusgahan niya ang ating lugar pero hindi pa pala siya nakarating dito ni minsan?

Pero, huwag kayong magtatalak d’yan na parang ang linis n’yo naman. Dahil kahit sabihin pa natin na “baka naman nadala niya sa kanyang imahinasyon sa paggawa ng nobelang yan ang mga kaganapan dito sa Maynila?” e may pagkatotoo rin naman kasi ang mga nilahad niya.

Ironically ito pa ang problema, hindi natin pinupuna ang mga akda na naglalahad ng kahirapan sa ating bansa. Mula sa mga pelikulang tulad ng Insiang, hanggang sa mga karaniwang setting ng ating tipikal na telenovela sa kasalukuyan, hindi natin pinapansin na may isang bagay na present na present dun – kahirapan. Ironically, wapakels tayo pag ang kapwa natin ang nagdidisplay ng ating pagiging hampas-lupa; pero kapag ang mga taga-ibayong dagat ang nakapansin, para tayong mga gago’t tanga kung makapagreact. Pustahan kahit tuwang-tuwa tayo na nagshoot ang pelikulang The Bourne Legacy sa ating bansa, walang nakapansin na mas ineexpose ng pelikula ang lahinaan natin bilang isang bansa – tatlong bagay: korapsyon, kahirapan at krimen.

At nakakalimot yata kayo… na fiction lamang ang mga nakapaloob sa mga sinulat ni Brown. Hindi pa rin totoo. At kung totoo man ito sa inyong mga mata, eh problema niyo na yun. Sapul pala kayo sa mga nilahad niya e. Ilagay nga natin ang pagiging “national pride” sa tamang lugar.

Ito pa ang problema sa mga taong react ng react. Nakikisali lang, at panay emosyon ang pinapairal sa halip na mag-isip o mag-analisa sa naturang bagay na hinuhusgahan. Mga hysterical na gago pala ‘to e.

Naalala ko tuloy ang isang diumanong letter ni Metropolitan Manila and Development authority Chairman Francis Tolentino ukol rito. Alam ko, kontra siya sa mga sinabi ni Brown. Pero para sulatan niya ang taong yun? Seryoso? Oo, seryoso nga. Ito ang patunay oh. 


http://scoopboy.com/

At may sagot kagad ang awtor. 


http://pbbaddict.blogspot.com

Pero wag kayo maging hysterical at mapgpaniwala kaagad. Dahil isang satirical article lang yan galing kay Professional Heckler.

O, ano? Huhusga ka pa? Tsk, tsk, tsk. Naku. Isip-isip muna din pag may time.

Sources:
author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...