Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, June 17, 2013

Middle Class Problems

9:51:19 PM | 6/17/2013 | Monday

”Minsan, mas mahihirap pa ang mga nasa middle class kesa sa mga mahihirap mismo.”

Lahat tayo ay biktima ng sistema na ating ginagalawan. Sa panahon na kinakain tayo ng pagiging gahaman ng mga pulitiko, kamangmangan ng ating kapwa, nililinlang ng mga batgay na ating nakikita, at ng relihiyong sarado ang isipan.

Nabubulok ito, at marami na ang naghangad ng pagbabago. Pero hanggang drawing na lang ba? Kasi matapos ang ilang eleksyon, hindi naman tayo umaangat, at mas lamang pa ang mga talangka sa atin na naghihila sa atin pababa.

Tama ang kasabihan na sa panahon ngayon, na “ang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman, at ang mahihirap ay lalong naghihirap.”

Pero sa totoo lang din, hindi ang mga dukha ang “tunay na mahirap” sa ating bayan. Alam mo kung sino? Ang mga namumuhay sa gitnang antas.


Mga taong patuloy na nagkukumahog, nagsusumikap para lang maiahon ang buhay nila at ng pamilya nila sa kahirapan. Pero hinahadlangan ng maraming bagay tulad ng krimen sa kapaligiran, at korapsyon sa pamahalaan.

Bakit ko nasabi na sila ang mas mahirap pa sa mga mahihirap ang mga nasa middle class? Maraming bagay na maaring gawing dahilan ‘tol. IIlan lang sa mga ‘yun ang mailalahad ko, base na rin sa aking obserbasyon.
Sa aking pagmamasid sa bagay-bagay na tilang pagsubaybay sa isang palabs na realidad ang tema pero walang lenteng nakakakuha ng mga larawan nito, narito ang ilang bagay na nagiging totoo sa atiung kamalayan.

Sa usapang buwis tayo mag-umpisa. Ang mga nasa gitna, nagbabayad ng halaga na magsisilbing ambag nila sa ating bayan. Ang karamihan ng nasa nasa ibaba, hindi. Bakit mo nga naman kasi pagbabayaran siya ng buwis kung sapat lang sa pagkain nilang mag-anak ang kinikita niya sa pagtitinda, ‘di ba?

Yung mga mahihirap, nakakatanggap pa sila ng benepisyo mula sa pamahalaan. Ang mga taong nagbayad nito, hindi. Anong ibig kong sabihin? Sila kasi ang mas pinagtutuunan ng pansin ang gobyerno. Ala nga naman na ikaw ay tulungan din ng pamahalaan mo kung kaya mo naman tumayo sa sarili mo, ‘di ba? Hindi yun ang punto.

Hindi kasi pantay. Halimbawa, sa panahon na may CCT o conditional cash transfer ang gobyerno, ang mga mahihirap pa ang mas nakikinabang. Buti sana kung ginagamit ng mga ‘to sa tama ang biyayang natatanggap. E paano kung sinusugal lang din nila? Tapos pag wala na, sila pa ang may alab nag alit kung magngawa sa gobyerno. Parang tuloy nakakalimutan ng mga ungas na ‘to na buti pa nga sila, may nakukuha. E ‘tong mga sumasahod ng sapat, sa halip na sapat talaga at makaipon para sa kanilang hinaharap, ayun, napipilitan magbayad ng buwis. Parang tuloy may nakikikita akong malaking talangka sa katauhan ng mga nasa ibaba.

Kaya swerte na lang ng iilan kung makalayas sila ng Pilipinas dahil karamihan sa kanila, kahit mahirap ang daan na tatahakin ay alam nila na doon mas giginhawa ang buhay. Kung ikukumpara dito, kung nasa pagitan sila ng mga tinatawag na elitista at mayorya, sa halip na sakto lang, e mas impyerno pa sa mga mahihirap ang mga pinagdadaanan nila.

Dati, kapag sinabing “majority,” ibig sabihin ay boses ng nakararami. Pero ngayon, parang naiba na ata, pag sinabi kasing majority sa Pinas ngayon, “masa” na ang tinutukoy. Ang problema lang ay karamihan sa majority na ito, maliban pa sa pagiging “lower class,” ay namamayani pa sa kanilang puso at isipan (kung meron man) ang pagiging ignorante. Kaya ang boses ng nasa gitna, naisasama, kahit sa totoo lang e hindi naman sila ang mas napapakinggan ng tao na dapat ay nakikinig sa hinaing ng taumbayan.

Pansinin sa mga balita, sinu-sino ang mgamadalas nakakapanayam? Mga nasa ibaba, ‘di ba? Kaya hindi ko na rin masisisi ang mga talagang naghihirap ng husto na idaan sa social media ang mga problema nila sa lipunang ito. Bihira lang mapansin ang mga elitista at nasa hawing gitna.

May mga bagay man na lamang naman ang mga nasa middle class kesa sa mga nasa lower.

Pero kahit ganun, isa lang ding bagay ang totoo: sa mga nagaganap ngayon, lahat tayo, kahit ano pang antas o estado ng buhay ang tinatamasa mo, ay biktima ng sistema ng lipunang ito. Oo, ang bulok na sistema nga natin ang puno’t dulo ng lahat ng ito.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. npakaganda ng iyong punto.. idagdag mo narin ang paggamit ng mga ibang politiko sa ating mga dukhang kababayan para makamit nila ang kanilang mga pwesto..

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...