Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, June 28, 2013

Kenkoy Spotted: PDA Couple.

1:33:37 PM 6/28/2013 Friday

Maiba muna tayo. Nasa maling mundo ba ako? Hindi. Nasa tama pa ba ang henerasyon na ‘to? Ay, ewan ko.

Bakit ko nasabi ang mga ‘to? Panoorin niyo ang bidyong ito mula sa programang T3 Reload. (Video credit: News5Everywhere via YouTube)




Okay, sa isang post ko na may kinalaman din sa tinatawag na Public Display of Affection, marami rin ang bumatikos, bagamat marami rin ang mga sumang-ayon.

Wala raw masama sa pagpi-PDA? Leche. PDAin nyo yang mga mukha nyo. Una sa lahat, ang anumang kilos na ginagawa natin ay may tamang kinalulugaran. Kahit ang simpleng halikan. Akbay pwede pa. Yakap, pwede rin kaso sa mga piling lugar lang. Kung laplapan naman ang bet nyong gawing dalawa, e suhestiyon ko na lang ay umuwi kayo sa kwarto niyo o magrenta kayo ng kwarto, hindi yung nagtatago kayo sa lilim ng puno o nakahiga sa bakanteng lupa o ilalim ng mga upuan.

Para namang sarado yata ang isipan mo nyan. Bugok. Ang pagiging open-minded ay may kaakibat na repsonsibilidad. Isa d’yan ay ang pagsasalagay sa tamang posisyon ng mga bagay-bagay.

Ang pagpapakita ng apeksyon sa kanyang sinisinta sa harap ng publiko ay maaring tama lang kapag una, tama ang kilos sa mata ng moralidad; at pangalawa, ang gesture ng tao ay akma.

Tanga lang ang nagsasabing nakikialam ako. Dahil una, ang mga ipinakitang bagay sa naturang paksa ay naisapubliko nila mismo.

Isa pang anggulo ng videong ito. Ang mga subject na nahuling nagpi-PDA sa kuha ng video na iyan ay mga estudyante. In short, bata pa rin. Hindi ko tuloy alam kung pakikipaglandian lang ba ang subject sa kanilang eskwelahan o anatomy of an opposite sex tuloy ang pinag-aaralan. Sex education ba? Haha! Ewan.

Paano kaya kung nakita ng mga magulang ng mga ‘to video ng ANLABO segment na ito? Naku, good luck kung hindi ka pa mahambalos ng dos por dos sa pwet at mukha. Pero hindi na pwede ang ganyang parusa at disiplina sa panahon ngayon e. Mabuti sana kung sila ang mismong tumutustos sa kanilang pag-aaral.

Hay, naku. *radio* KENKOY Spotted.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...