Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, June 06, 2013

Hostile Friend

12:59:36 PM | 6/6/2013 | Thursday

1-0 ang iskor sa laban ng football, pero hindi ang goal ni Younghusband sa ika-33 minuto ang pinaka-highlight ng laro. Kundi ang tahasanag pangungutya ng mga fans ng Hong Kong National Football team sa mga fans ng Philippine Azkals. Di umano’y diniskrimina ng mga taga-Hong Kong ang mga Pinoy doon sa Mong Kok Stadium.

“Slaves” ba ang isa sa mga binitawang masasakit na salita? Binoo habang kumakanta ng “Lupang Hinirang,” at mas masaklap, pinagbabato ng mga bote (at basura daw?!) Kunsabagay, mas naasar pa yata sila lalo noong tinalo ng Azkals ang National team nila. Mas masakit nga, dahil sa sarili nilang bayan pa sila tinalo.


Ano ‘to? Napuno, dahil sa pagkakataong ito ay nanalo ang Azkals sa Hong Kong? First time lang na manalo, napikon na kaagad ang kalaban? Pasalamat nga kayo e noong hindi pa nanalo-nalo ang Azkals sa inyo e hindi kayo nakatanggap ng anumang akto ng kabitteran mula sa mga kababayan naming porket natalo nyo kami nun ha?

At umangal na ang FIFA niyan. Aniya, ayaw rin nila sa diskriminasyon e.  Zero tolerance ba. Kaya pinagpa-file na ng report ni Mariano Araneta, president ng Philippine Football Association si Azkals team manager Dan Palami ukol sa insidente.

Pero sa totoo lang, walang kasalanan ang koponan ng HK dito. Alam mo kung sino? Ang mga fans nila.
Masyado bang sineryoso? Maari, pero mayroon daw malalim na dahilan kung bakit ganun na lang kahostile ang mga madlang piol ng Hong Kong. Kung maalala kasi ang naganap na Manila Hostage Crisis noong 2010, karamihan sa mga biktima ni Rolando Mendoza, isang suspek at dating miyembro ng kapulisan (na namatay rin sa kasagsagan ng krimen), ay ang mga turista mula sa Hong Kong.

Kumbaga, sadista lang ang paghihiganti ng mga taga-HK. Maliban pa d’yan, nilu-look-down sila dahil sa karamihan ng mga trabahador na Pinoy doon ay “domestic worker.” At speaking of which, kinalaban ng HK residents ang panukala doon na bigyan ng residency ang mga foreign workers, kabulang na rito ang mga Pinoy.

Hindi naman sa paghahalungkat mula sa mahiwagang baul ng mga kaganapan sa kasaysayan ha? At hindi rin sa paghahangad na manumbat ang mga ito at naging malalim ang galit nila sa ating bayan. Pero ito rin ang mga anggulo na posibleng tinitignan, ayon na rin sa aking mga nabasang atikulo at balita.

Naisip ko na lang, paano kaya kung nanalo ang Azkals sa sariling bayan at ganito pa rin ang reaksyon ng mga bugok na ‘to? Ano ‘to, dayong siga? Pa-deport na yan kung ganun. Out of hand and out of the game na ang pangdidiskrimina nila.

Pasalamat sila sa homecourt nila naganap ang diskriminasyon na’ yun. Feeling nila. Tss!

Sources:

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!