Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, May 6, 2013

Y U No Want To Debate?


9:29:55 AM | 5/6/2013 | Monday

Isang maikling patustada lang ngayong halos pitong araw na lang ay mideterm elections na sa Pilipinas.
Hindi ko lang ‘to magets. Isang tumatakbong senador, pero ayaw makipag-debate sa harap ng publiko at media? Seryoso?


As in hindi tinanggap ni Nancy Binay ang hamon ng isang Risa Hontiveros para makaipag-dayalogo sa harap ng publiko. Aniya, ang nais ni Binay ay magkaroon muna siya ng pwesto sa Senado bago makipagdakdakan at talakan sa sinumang gusto na makipagtalo sa kanya. Ano ‘to, naduduwag dahil baka wala siyang masabi na parang rapper sa mga battle league na tulad ng FlipTop na biglang napachoke at mabalangko ang utak habang nagpeperform ng kanyang mga banat?

Ayos sana yun, kasi gusto niya ipakita na mas gusto pa niya magtrabaho ng tahimik kesa sa makipagtalo pero wala namang nagagawa, tulad ng mga ilan sa mga nakaupo sa Sendao mula pa noon hanggang ngayon (kelangan pa bang mag-name drop?).

Pero sa kabilang banda kasi bakit ka lang din tatahimik? Alam ko na maimbang ang kasabihang “mas matimbang ang gawa kesa sa salita.” Pero ito ang panahon ng panganagmpanya, panahon para may maipakita ka. Panahon para ipagyabang mo ang dapat mong ipagyabang, kung meron pa maliban sa pagiging anak at personal assistant ng Bise Presidente. Kung kwalipikado ka talaga, malamang, maraming tao ang huhusga sa iyo. Ngayon, ito ang panahon para patunayan mo, hindi lang ang gumawa ng patutsada na “kwento niyo sa pagong,” este, “file a disqualification case” sa COMELEC.

Naalala ko ang isang satirikal na artikulo sa sowhatsnews.com na ginant ng korte sa Makati ang isang TPO o temporary restraining order na naglayon na hindi magpartisipa si Binay sa anumang diskusyon sa panahon ng eleksyon.

Pero dahil nga satirical at “fake news” lang naman ang nilalaman ng naturang artikulo na aking nabanggit sa previous paragraph, hindi na ito kelangan pang pautlan. Basta ang katotohanan lang d’yan ay ayaw talaga ni Binay sa debate.

Kung ayaw mo, ‘wag mo. Pero good luck sa panghuhusga ng tao, lalo na’t kalat ang isang research na naglalaman ng mga matutunog na pangalan ngayong darating na eleskyon.

Ano na naman yang nabanggit mo huling paragraph, slick? Antabayanan sa aking mga susunod na pasada ng mga tirada ngayong halalan!

Sources:


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...