Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, May 29, 2013

Uninvited

11:43:21 PM | 5/28/2013 | Tuesday

Hindi na imbitado sa darating na William Jones Cup ang defending champion team nito na Gilas Pilipinas.

Saklap ba? Oo, napakasaklap. Defending champion ka tapos ieechepwera na lang sa pagkakataong ito? Parang instant way para sa championship ang magiging dating nito ah. Kasi walang threat sa daanan nila, walang defending champs, kaya all-for-that-one ang labanan d’yan.


Ang champion na Gilas at ang isa sa mga MVP ng torneong ito na si LA Tenorio? Ayun lang. malaking dagok talaga ito considering na gusto nila mai-scout sa paraan na ‘yun ang mga koponan na susunod nilang harapin sa mga susunod na international competition. Pero sa kabilang banda, mas magiging focus naman ang Gilas sa pag-ensyao niyo sa darating na FIBA-Asia wars.

Kaso, ano ba ang dahilan kung bakit hindi sila naimbitahan? Dahil sa namumuong tension sa pagitan ng bansang Taiwan at Pilipinas. Dahil sa diumanong pagpaslang ng mga kawani ng Coast Guard sa isang mangingisda mula sa kanilang bansa.

Ganun? Parang nakakaloka naman yan. Lahat na yata ng precautionary measures ng Taiwan e binato na nila sa Pilipinas, mula pagfreeze sa mga magiging OFW hanggang sa Red Travel Advisory. Samantalang pag may nasawatan tayong mga fugitive na may nasyonalidad na mula sa kanila, e parang kibit-balikat lang.

Pambihira. Sinasabi kasi na baka hindi maawat-awat ang tension ng mga tao dun, lalo na’t minsa’y may nasugatan na Pinoy sa pagsugod ng mga kabataang Taiwanese sa dormitoryo ng mga OFW? Sabagay, baka naisip ko lalo na kung magharap sa hardcourt ang dalawang bansang ito. Matino nga ang outcome ng mga manlalaro pero ang mga fans nito, hindi. Patay tayo d’yan!

Security-wise ba ang usapan? Siguro, pero ano bang silbi ng kanilang otoridad, lalo na’t mas disiplinado pa naman sila at hindi nagpapanggap na ignorante pagdating sa pagkilala sa batas at alagad nito?

Well, wala tayong magagawa d’yan. Unless kung gusto mong gumanti ang Pilipinas, e huwag silang isama sa alinmang bracket ng gaganapin na FIBA-Asia Championship na gaganapin sa Maynila sa darating na Agosto. Kaso, masyado naman yata tayo niyan. Weh, hindi kaya. They should get what they deserve. Lechugas!

Pero, hayaan na lang natin mag-usap ang mga diplomatiko d’yan. Malay mo, maiba pa ang maging desisyin, ‘di ba?


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...