Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Sunday, May 12, 2013

Tirada Ni Slick Master: Like If You Love Your Mom?


12:59:59 PM | 5/12/2013 | Sunday

Babala: Basa-basa din bago magreact. Huwag manghusga kung tatanga-tanga ka rin lang naman at kung nasapul ka sa iyong kalokohan.

Napapanahon na naman ngayon ang pagpapkita ng pagmamahal sa kanilang mga ina. Walang masama. Well, sa totoo lang, wala sanang masama.

Kaso, maliban na lang kung ang mga kilos at galaw mo sa panahon ay nakabase sa mga post sa Facebook. Kung ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa iyong ina ay pang-show off lang. Masabi na nakikisakay ka sa uso, pero hindi naman ito pinapatoo pag nag log-out ka ng iyong Facebook. Parang... ito.

ablogofmymusingsandramblings.wordpress.com

“Like If You Love Your Mom.”


Ano ang problema sa ganito? Maliban sa stratehiya ng ilang mga page admin sa Facebook para lang bumenta ang mga post nila, e dito nakikita kung totoong mahal ba nila ang kanilang ina o sadyang nakikiuso lang. Pustahan ang iba diyan ay parang yung sinasabi sa litratong ito:

https://www.facebook.com/anyarenews


Ahh, lakas mong maka “I love you mom,” pero pag inutusan ka ng gawaing-bahay, lakas mo ding mag-inarte para umayaw ha?

Ang lakas mong maka-I Love You Mom sa Facebook , pero grabe kung makasumbat sa kanya pag nag-ge-girl talk o pag nagkakaroon kayo ng maboteng usapan ng tropa niyo ha?

Ang lakas mong magpaka-show off pero ang lakas mo ding bumira ng malutong na “putanginamo” ha?

Sino kaya ang niloloko mo? Kami ba? Ang sarili mo ba? O ang iyong ina na lagi mong ginagawang subject sa mga post mong yan?

Tao lang naman e. Oo, tao nga, pero alalahanin mo na hindi kami tulad mong supot ang utak para umintindi sa palagian mong pagkakamali at pagiging hipokrito. Iba ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa pagiging aktor o aktres oara masabi lang na “I love my mom.” Magkaibang-magkaiba talaga yun.

Be real, mahalin mo ang nanay mo ng totoo. Hindi base sa “like if you love your mom” post sa Facebook.

Happy mother’s day!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...