Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Friday, May 10, 2013

Socio-Political Impact


11:54:04 PM | 5/9/2013 | Thursday

Matindi ba ang impact ng social media pagdating sa 2013 midterm elections? Oo naman.

Sa totoo lang, nagsimula ang ganito mula pa noong 2010 presidential elections, naging venue ng ilang kandidato ang mga social networking websites na tulad ng Facebook at Twitter.


Pero kung ikukumpara ang 2013 sa 2010, well, base lang sa obserbasyon ko ha? Mas marami nga ang populasyon ng social networking media users, pero mataas rin ang porsyento ng mga mababaw na nilalang. Pero regardless, marami pa rin ang nakikialam kahit papaano which is a good sign.

Mas nakakapagpahayag kasi ang tao sa pamamagitan ng mga ‘to sa panahon ngayon. Kulang ang mga naunang teknolohiya na tulad ng text messaging sa cellphone, mailing groups,discussion fourms at ultimo ang mga blog sites.

Sa social media, mas naglalahad ang mga tao pagdating sa kung sino ang iboboto nila sa darating na eleksyon.

Mapunta tayo sa kasalukuyan. Isang private crisis management firm ang gumawa ng kanilang pananliksik, at nakita ang mga matutunog na pangalan sa mga kumakandidatong senador, base sa mga mga kumento at post sa kauuang aspeto ng social media.

Ayon sa Astrolabe, ang 12 senatoriable na nakakuha na naging parte ng matinding ingay, at nagkaroon ng postibong remark sa social media ay sina:
·         Eddie Villanueva (Bangon Pilipinas)
·         Grace Poe (Team Pnoy)
·         Bam Aquino (Team Pnoy)
·         Francis “Chiz” Escudero (Team Pnoy)
·         Risa Hontiveros (Team Pnoy)
·         Sonny Angara (Team Pnoy)
·         JV Ejercito (United Nationalist Alliance)
·         Loren Legarda (Team Pnoy)
·         Aquilino “Koko” Pimentel (Team Pnoy)
·         Cynthia Villar (Team Pnoy)
·         Teddy Casino (Makabayan)
·         Richard Gordon (United Nationalist Alliance)

Sa statement ng kumpanya, hindi ito galing sa mga survey. Ito ay base sa mga nakalap na mga statement mula sa iba’t ibang tao.

Sa negatibong aspeto, may ilang pangalan din ang naging kapansin-pansin. Base sa kanila, sila Gordon at Legarda ay binabrand bilang “political butterflies,” at sila Casino at Hontiveros bilang mga “leftist.”

Si Villanueva naman ay dahil sa di umano’y palagiang paggamit ng pangalan ng Diyos. Kunsabagay, dapat nga may linyang namamagitan sa mundo ng pulitika at relihiyon, ‘di ba? Which means hindi na dapat idinadamay ang relihiyosong bagay sa mga bagay na may kinalaman sa pamumulitika.

Minsa’y napuna din si Villar dahil sa kanyang remark sa mga “room nurse.” Si Aquino, political dynasty aang inuugnay. Oo nga naman kasi, kala ko ba ay ayaw ng ibang Aquino yan? Si Poe, tatak FPJ daw. Natawa nga lang ako sa hirit ng isang Senyora Angelica: “Bakit hindi ka na lang ba mag-action star?”

Pero sila Jack Enrile at Nancy Binay naman ang mas umaani ng mga negatibong remark. Teka, hindi yata pwede kay Enrile yan ha? (Nakiuso lang sa mga kumento sa Facebook e. LOL!) Anyway, kay Binay? Hindi na ako magtataka. Ikaw ba naman ang may tanging record na “personal alalay” ng iyong mga magulang, naging ambisyosa sa pananaw ng ilan (dahil ang taas naman kagaad ng hangad mong posisyon), at isama mo na rin pala ang pag-iwas mo sa mga debate hangga’t hindi ka pa nananalo… ‘di ba?

At yan ang patunay na matindi talaga ang epekto ng social media sa ating lipunan, lalo na’t darating na ang eleksyon.

Sources:
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...