Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, May 2, 2013

Kalbaryo Ng Isang Manggagawa


10:31:33 AM | 4/29/2013 | Monday

Kung akala ng mga tambay na madaling kumita ng pera at magahnap-buhay, tiyak na nagkakamali sila.

Walang madaling trabaho sa mundo, kaibigan. Bilang isa sa milyon-milyong nilalang na hinaharap ang pagsubok ng buong mundo, maraming kalbaryo na pinagdadaaanan ang isang empleyado o kahit empleyo din. Akala mo madali ang lahat?


Hindi madaling maghanap ng trabaho, kahit may one-day hiring process pang nalalaman. Dahil aanhin mo naman ang job offer sa ‘yo kung hinding-hindi mo naman linya ito?

Hindi madali ang trabaho. Matutunan mo man ito, pero nasa kagustuhan mo at kung hindi ka mag-iinarte d’yan.

Hindi madali ang walong oras na pasikot-sikot ka sa desk mo, utusan ng iyong boss, gumawa ng sandamukal na report, at iba opa na pinapagawa sa iyo. Minsan, sala sa init at sala sa lamig ka pa. Kung may kulang pa para sa araw na ‘to, mag-oovertime ka pa. Maraming bagay na masasakripisyo.

At sa sobrang pagsasakripisyo, nagkakaroon pa ng mga tampuhan at sigalot sa pagitan mo at ng mga kasamahan mo sa bahay. Ikaw ang magiging tampulan ng kanilang kantyaw, tampo at panghuhusga kapag naging workaholic ka.

E kung palit kaya tayo ng sitwasyon nang maranasan niyo ang naranasan ko, mga putangina n’yo?  Stressed ka na lahat-lahat, ikaw pa rin ang may dagdag na trabaho sa bahay na dapat sana ay nilalaan mo na ang oras mo para magpahinga at maghanda para sa mga susunod na araw ng paghahanap-buhay?

Hindi madali ang maging taga-salo ng mga aberya kung sakali na hindi satisfy sa serbisyo ng kumpanya nyo ang klieyente niyo. Hindi madali ang tanggihan ka ng mga customer dahil sa mababaw na problema sa prdukto mo. Hindi madali.

Minsan, hindi pa sasapat sa pamilya mo ang napaghirapan mong pera. Kaya minsan, iwas sa mga tulad ng mga aktibidades na pamparelax tulad ng uminom ng alak, manood ng pelikula, bumili ng bagong bagay na kailangan (o kahit pang-luho) mo tulad ng sapatos, damit, bagong piyesang pang-ayos sa computer, gadget tulad ng digicam at cellphone, serbisyo ng cable, atbp.

Hindi madali ang magtrabaho, lalo na kung pinuputakte pa ng mga intirga’t pamumulitka ng iyong mga kasama, at lalo na siguro kung superior pa ang tumitira sa iyo. Ito ang hirap sa salitang “pakikisama e.

At kung mamalas-malasin ka pa, may mga masasamang elemento pa na mananamantala. Akala ng mga putanginang ‘to e sila ang naghirap sa salaping pinagtrabahuan mo e no? E paano na lang kaya kung maging vigilante ang bawat empleyadong mamayan ng lipunang ito? Baka tiyak, ubusan ng lahi ang magaganap (naykupo, huwag naman sana).

Hindi madaling magtrabaho lalo na kung nasa ibayong dagat pa ang iyong destino. Kahit andyan si mareng Skype at pareng Facebook e iba pa rin ang kalinga at dating na nasa piling ka ng iyong mga mahal sa buhay sa iyong inang bayan.

At mas lalong hindi madaling magtrabaho kung ikaw pa ang breadwinner sa pamilya mo. As in ikaw tagasalo at tagabayad ng lahat-lahat ng pangangailangan ng mahal mo sa buhay. Tapos masaklap pa kung may absuadong nilalang pa sa mga kadugo mo. Stressed ka na lahat-lahat, hihiram pa sa ‘yo. Tapos pag hindi mo nabigyan, ikaw pa ang lalabas na masama. Kapag binigyan mo naman, aabuso hanggang sa dumating sa punto na marerealized mo na ikaw pala ang sumusustento sa bisyo na dapat ay siya na ang nagtatrabaho para dito?

Kaya kung sobrang urat mo na sa mundo, naiintindihan kita kaibigan. Kaisa kita. Mabuhay ang mga mangagawa!

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...