Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, May 29, 2013

Just My Opinion: Tuition Hike

11:29:43 PM | 5/28/2013 | Tuesday

Tuition hike na naman. Kung tutuusin, hindi na bago ang isyung ito. Kada taon naman ay nagkakalokohan na tayo pagdating sa balita sa pagtaas ng tuition e. Yung iba, tinotoo ang paghike, at yung iba naman, pa-PR lang.

Pero ito? Mukhang malaking dagok na naman ito sa estudyante at magulang na naman. Oo, for the nth time. Kasi halos 350 bilang ng mga eskwelahan, magtataas ng tuition fee. At aprudbado na yan ng Commission of Higher Education. Panibagong kalbaryo na naman ito sa mga nagpapaaral sa kanilang mga kaanak.


Naisip ko tuloy, baka may matulad na naman kay Kristel Tejada niyan ha? Yung estudyanteng nagpakamatay dahil sa labis na pamomroblema sa kanyang tuition fee. Hindi siya nakapagbayad, kaya tuloy ang pakiramdam niya nun ay gunaw ang mundo niya sa mundo ng pagiging estudyante. Kaso literal, nagunaw nga, pati ang buhay niya.

Sa move na ito ng mga may-ari ng mga pamantasan at unibersidad, pati na rin ng CHED, ilang kawawang nilalang na naman ang mababadtrip, pipiliing magbulakbol na lang o tumambay, magpost ng mga frustrations (na may kinalaman sa pagtaas ng tuition fee) nila sa Facebook, Twitter o ultimo sa Tumblr, o mas malala, madepress at sapitin ang kamatayan sa pamamamgitan ng pagpapatiwakal sa sarili?

Paano yan, lalo na’t ang ilang pamantasan pa naman ay hindi matake ang promissory note bilang isang excuse? Lalo na malamang yung mga nagsisipag talagang mag-aral, pero hindi maka-afford ng scholarship (yung mga mataas at sakto lang ang antas ng kanilang intelihensya para sa kanilang mga grado).

Ang sasabihing pagtaas ng matrikula naman ay para na rin sa ikagaganda ng mga pasilidad ng kanilang paaralan. Well, sa iba, hindi masama yun, lalo na kung umuunlad naman talaga ang eskwelahan nila. Yun nga lang, sa iba kasi, hindi ito maramdaman. Kaya tuloy ang iba, hindi mawaglit sa isipan nila na pera-pera na lang yata ang usapan ha? Pineperahan na lang ba tayo niyo?

Naku, huwag naman po sana. Dahil tiyak baka tamarin lang ang mga ‘to na mag-aral at baka sumama sa populasyon ng mga lumalanding kabataan sa panahon ngayon.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...