Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Wednesday, May 15, 2013

Gatas O Gin? (Just My Opinion: 2013 PBA Commissioner’s Cup Finals)


11:42:30 AM | 5/15/2013 | Wednesday

Gatas o Gin? Ito ang matimbang na tanong sa ngayon, dahil Game 1 na ng PBA Commissioner’s Cup finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayos. Parang classic rivalry noong 90s lang ha? Noong panahon na nagkaroon ng Grandslam ang Alaska at ang kaharap nito ay ang.... *drumroll, please?* ang crowd favourite na Ginebra, may mala-Twin Tower na line-up sa pamamagitan nila EJ Feihl at Marlou Aquino. Mantakin mong ang isa sa mga mas matayog ang lipad nun ay si Johnny Abarrientos?

Pero fast forward tayo sa 2013.
Sa panahon na may Tinyente na ang the Fast and the Furious combo, samahan mo pa ng mga sandamukal na highflyer; laban sa isang beast, at may solidong support cast sa pangunguna ng isang team captain na dati ay mala-sirko ang galaw sa ere.

Naging solido ang Alaska sa buong komperensya, nanguna sa team standings sa 11-3 win-loss record nito. Naalala ko nga na sa uinang game ng torneong ito pinukol ni Cyrus Baguio ang kanyang game winner, na sumuporta sa malahalimaw na clutch play nun ni Calvin Abueva.

Samantala ang Ginebra ay nasa pampitong ranggo sa 7-7 record nito. Akala nga ng karamihan e mahina ang koponan na ito dahil sa 0-4 na start, at sa pagkabaon sa 2-1 na standing laban sa Tropang Texters noong nakaraang semifinals.

Akala ko rin e. Dito lumabas ang Never Say Die Spirit nila, sa pagkaroon ng game-winning run sa semis, dala siguro ng momentum ng pagiging slam dunk king ni Chris Ellis at sandamukal na alley-oop plays ni L.A. Tenorio at Vernon Macklin. At may mga fastbreak shooters sila sa katauhan ni Josh Urbiztondo.
Pero hindi mo rin maa-underestimate ang Alaska, lalo na’t malaks din sa scoring spree ang kanilang import na si Robert Dozier, at pag uminit ang shooting ni JVee Casio.

Unang beses ito na makapasok ng Alaska sa Finals – at sa pagkakataong ito, hindi na si Tim Cone ang kanilang coach. And ironically, tinalo nila ito sa kanilang semifinals match-up laban sa kanyang San Mig Coffee Mixers.

Well, tingin ko sa seryeng ito? Malamang puykupukan at ma-pisikal ang laban na ito. Too early to tell na ang Aces ay mas mananaig dahil napaka-unpredictable ng takbo ng laro na ito, considering na dahil nga sa “ never-say-die” attitude ng Ginebra.

Pero mas exciting ‘to pag nakabalik na talaga sa laro si Mark Caguioa, bagay na ginawa niya noong game 5 laban sa Tropa. Maalala na may dalwang buwan din na na-sideline si The Spark dahil sa injury.

So tingin ko, either team will have it on 5 games. At mas notable palyers na pag match-upin dito ay si Caguioa at Abueva, regardless kung magkaiba ang posisyon nila sa court. I mean, sila ang mas papansinin ng media, considering na napakatinding manlalaro ‘tong si Abueva, habang si Caguioa ay MVP noong nakaraang season at sa panahon ng kanyang kalakasan at patuloy siyang kumakana  ng matinding kontribusyon para sa kanyang koponan.

So, kanino ka kakampi? Sa Gatas Republik? O sa never-say-die na baranggay?

Ang Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup Finals ay gaganapin sa Miyerkules, Mayo 15, 2013 sa Araneta Coliseum sa oras na alas-7:30 ng gabi. Mapapanood ito sa TV5, Aksyon TV at sabay na mapapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at Radyo5, 92.3 News FM.

Sources:

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...