Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Tuesday, May 28, 2013

Ang Problema Sa Pamumutakte sa Hairdo Ni Charice

9:59:26 PM | 5/7/2013 | Tuesday

Ang hairdo ni Charice. Anak ng tokwa, lagi na lang ‘to lamang ng usapan at kalokohan ng social media ha?
Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi maloloka sa itsura ng hairdo niya na maihahalintulad sa iba’t ibang personalidad. Dumarating na nga sa punto na nakekwesityon na ang personalidad ng batang singer. Kaya ayan, laging pinuputakte ng mga tinatawag na “meme” sa Facebook.


Oo nga naman kasi, ang tino naman ng look niya noong nagsisimula pa lang siya sa karera bilang isang international singer. Kaso sa paglipas ng taon, ayan na, nakakaloka sa nakakaloka. Hindi naman siguro palala nang palala, unless kung isa kang full-pledged hater ng bruha.

Pero sa kabilang banda, hindi naman kaya dahil gusto niya mabago ang imahe niya? At nakikisabay sa agos ng mga pop teen stars sa worldwide music scene? Kaso ang problema nga ay nagiging baduy e. As in pabaduy nang pabaduy lang. Masyado naman yata tayong mapanghusga.

Pero (ulit) pag nagsalita na kasi ang miyembro ng pamilya, e ibang usapan na yan e. Kung isa kang fan ni Charice, hindi mo masisisi ang grand-ermat ng naturang international singer kung naalibadbaran na siya sa kasalukuyang itusra niya. Aniya, ibalik na lang daw ni Charice ang old good look niya.

Okay sana kung maunawaan yan ng mga tagahanga niya. E paano kung hindi, as in to the extent na ang sinuman na magsasabi lang ng opinyon na taliwas (at hindi naman nakikipagtalo o ni nagbitaw ng maanghang na salita) e pinapatulan na nila? Tahasang binabash sa internet? Naalala ko tuloy ang isa sa mga immature na fans niya noon na inawaya ang isa sa mga kaibigan ko sa Twitter.

At the end of the day, kahit anong pamumutakte natin sa kanya, hairdo pa rin niya yan. At wala tayong magagawa diyan, maliban na lang kung ikaw ay nakatatandang kamag-anak niya. Ganun kakumplikado.

Author: slickmater | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...