Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Saturday, April 20, 2013

Snappy Answer to Stupid Lovelife Question: “You’re Hurting?”


11:15:49 AM | 4/20/2013 | Saturday

“Ang sakit for you? You’re hurting?”

Punyeta naman.

Sadyang uso na yata sa panahon ngayon ang mga nakatatangang tanong, kaya minsan ay hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang tataas ng ego ng ilang sumasagot na may halong sarcasam at pamimilospo.
Hindi pa man ako nakakagawa ng aking ikalawang installment para sa aking “Snappy Answers To Stupid Lovelife Questions” (pero idadagdag ko na ‘to sa listahan para doon anyway), ay for the mean time akin munang papasadahan ang isang tanong na nakakakuliling sa tenga at nakabuburyo sa isipan sa mga nakalipas na araw.

Balikan natin, ha?
Pinag-usapan ang hindi magandang moment n’yo sa ere. As in break-up n’yo yun na resulta ng isang away ukol sa paghanga mo sa isang bokalista. Tapos ang tanong sa jowa-jowaan mo noong nasa TV kayo ay “Ang sakit for you? You’re hurting?”

Ano? (pasigaw) “Ang sakit for you? You’re hurting?”

Teka... teka... teka, nasaktan ka nang sobra-sobra nang dahil sa nangyari sa inyong dalawa. Naikwento pa sa ere. Napahiya ka sa publiko, sa mga nakatutok sa palabas na ‘to sa national television, at pati na rin sa mga adik sa Facebook at Twitter... aasahan mo pa ba na may iba pang sagot d’yan maliban sa OO? Maliban na lang kung may sapi si Kuya sa utak, pero obviously hindi mangyayari yun.

“Ang sakit for you? You’re hurting?” Pinag-usapan ka nila nang harap-harapan ukol sa break-up moment niyong dalawa, tapos itatanong niya sa iyo kung nasaktan ka.... naknampucha naman. Ano ‘to, lokohan? Ano’ng akala ng mga ‘to sa ‘yo, robot? Nagmahal ka pa kung ganun. Pambihira naming tanong yan oh.

Kung ikaw sa sitwasyon ni tol Jaypee Santos, parang gusto mo na lang sagutin ang mga tanong na may halong panggaggago. Na parang ganito: “Hindi. Nasarapan pa nga ako e,” o ‘di naman kaya ‘ay “Hindi. Promise. Okay lang  yun at okay lang talaga ako.”

Tapos Yung tipong nasa loob ng isipan at kulo mo ay “Bwakanangina, tanong ba ‘yan? E di ba noong nasaktan ka e harap-harapan ka pang umiyak sa harap ng milyon-milyong manunood ng TV Patrol? Not once, but twice? Remember?”

Hay, naku. Please lang, sa ikauunlad ng TV, iwas-iwasan ang dalawang bagay: ang pagtsi-tsismis ukol sa lovelife ng iba (kahit sikat pa yan), at ang pagtatanong na “parang tanga lang.”

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...