Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 4, 2013

Sensible Glock


4:56:13 PM | 4/4/2013 | Thursday

Wala akong anumang recorded material ng artistang ito. Ang tanging sandigan ko lamang sa kanyang musika ay ang internet, umaasa sa YouTube sa kanyang orihinal na music video o sa Myx pag naabutan ko pa ‘to na umeere sa Studio 23.

Marami naman akong hinangaan na artista sa larangan ng musika, maliban na nga lang sa panahon ngayon na kung saan ay saksakan na ng kababawan ang mga nilalaman ng karamihan sa mga napapakinggan.

Pero buti na lang, sa kabilang banda, may mangilan-ngilan na malulupit pa rin. Yung mga may sense ba ang kanilang musika. Of course, yun lang naman ang hanap ko sa buhay e. Tipong sensible music lamang ang nakapagpapasaya sa kamalayan ko. Tulad na lang ng isang ‘to sa larangan ng mainstream hip-hop ngayon.


Ang lupit lang ni Gloc-9. Minsa’y napapagkamalan ay pangalawang Master Rapper. Para kasing si Kiko kung bumira sa entablado e. May matitinding salita, at may matitinding kahulugan ang bawat titik at himig nito. Tila sunod sa kanyang trono ba.

Sa lahat yata ng umusbong artista sa mundo ng musika sa panahon ngayon na ang isang patok na music record ay binabase lamang sa takilya, isa si Aristotle Pollisco sa mga artista na naglalahad ng matitinding kwento ng buhay.

Ilang beses ko na na-feature ang mga kanta nito sa blog ko, mula sa usapin ng trahedya sa pag-ibig, sa diskriminasyon sa ikatlong kasarian, sa seryosong suliranin tulad ng pangbubully, tributo sa isa sa mga alamat ng musika sa Pilipinas, eleksyon,  at iba pa. iba’t ibang klase lang ng tema at mga istorya. Hindi lang ito usapin ng kanyang mga album na Diploma at Mga Kwento Ng Makata. Isama mo na dito ang kaliwa’t kanang mga proyekto at adhikain.

Hindi ito usapin ng pagiging patok sa sales, kundi sa adbokasiyang dinadala sa bawat awit ni Gloc-9.

Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit unti-unti nang nakilala ang rap at hip-hop sa Pinas. Hindi kasi sapat ang pagpansin sa underground lalo na’t maami pa rin ang minamata ang mga genre na sadyang taliwas sa kagustuhan ng nakararami sa lipunan tulad ng hip-hop. Buti na lamang at kahit papaano e napapansin ang mga tulad ng Sunugan at FlipTop.

Ang mga ganitong kanta ang kailangan ng tao ngayon. Hindi mo kailangang maghukay ng balon para lang mapansin ang kalaliman ng mga kanta. Ang kailangan mo lang ay dalawang tenga, bukas na isipan at patinuin ang taste mo sa mga bagay-bagay.

Isang saludo para kay Gloc-9.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. astig talaga si gloc. isa sya sa mga nagustuhan kong rapper sa pinas. makabuluhan ang mga sinusulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. he reminds me of Francis M, maraming alam na pwedeng lkapatan ng musika (I mean may pagaka-variety, iba-iba, at hindi tipikal ang tema at kwento sa mga kanta n'ya), very rare na lang ang mga tulad nya sa panahong ito.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...