Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Monday, April 8, 2013

Prank Call.


6:02:17 PM | 4/8/2013 | Monday

Isang video ang kumalat kamakailanlang sa internet – ang nagngangalang DearAteCharo sa YouTube ay gumawa ng serye ng mga prank call at inupload ito sa kanyang channel.

Tumatawag siya sa iba’t ibang kumpanya na tulad ng LBC, Pizza Hut, BDO, SM at iba pa, para makipag-usap ukol sa mga serbisyo nila na may halong pagbibiro ng naturang caller.


Sa isang Facebook page naipost ulit ang video na ito. Mula dito ay kumalat at umani ng limpak-limapk na negatibong rekasyon laban sa naturang prankcaller. To the extent na ang pagputakte sa kanya ay isa na namang panibagong kaso ng tinatawag na cyber-bullying.

Na naman? Oo, na naman. Pero sa kabilang banda kasi, deserving naman kasi na kutyain siya ng tao kung hindi naman talaga nakakatawa ang kanyang biro. Patay tayo d’yan!


May natutuwa man sa kanyang ginawa, marami naman ang hindi. Well kung ako ang tatanungin, mayroon namang nakakatawang linya, pero karamihan kasi sa kanyang mga pranks, mas malala pa sa pagiging corny. Yung tipong nakakainis lang. Maituturing ding nakaiinit ng ulo. Kung napapanood n’yo ang video, malalaman n’yo kung bakit ganyan ang aking opinyon.

Hindi s’ya nakakatawa in a sense na obviously ay out of this world na ang mga linyang binibitawan n’ya. And come to think of this – hindi lahat ng pamimilosopong linya ay epektibo bilang mga comedy bars. Oo, hindi sa lahat ng oras ay nakakatawa ang pamimilosopo sa kapwa.

Malamang, aalma dito ang mga all center agent sa ginawa n’ya. Given. Naiintindihan ko dahil ako mismo naranasan ko din ng mag-calls at marinig ang sandamukal na katarantaduhan ng mga tao sa kabilang linya. At hindi kaya biro ang ikaw ang mapagbalingan ng kalokohan nila, lalo na kung sa inbound ka nadestino. Kumusta naman, ‘di ba?

Pero bago pa man uminit ng husto ang ulo at monitor ng kada Facebook users, e nag-labas si DearAteCharo ng dalawang video: pareho itong naglalarawan ng kanyang paghingi ng tawad sa kumpanyang naagrabyado n’ya at sa mga nagreact sa kanyang ginawa mismo.

Yun naman pala e. Kaso damage has been done, ika nga. At sad to say, kahit maraming mga mababaaw at bobong nilalang sa mga social networking sites ngayon, hindi rin nito mapipigilan na mapareact ng ayon sa nakikita nila.





Naiintindihan ko ang punto n’ya. Gusto n’ya magpatawa? Given. Gusto niyang pagtawanan ang sarili n’ya? Given. Responsible siya sa kanyang ginagawa? Given.  Kaso hindi ganun ang dating e. Kasi nga naman, sa sobrang lakas ng trip, hindi na ito nakakatuwa. Nakakainis na, nakakapang-init ng dugo ba. Kaya matuto din dapat siya maging responsable sa  reaksyon ng nakararami lalo na’t for public ang post na ‘yun.

Kaya ano ang magagawa natin? Alam natin na hindi n’ya tayo mapiplease. Well, ganun talaga. Kung nasaksatan siya sa mga kumento ng naturang video, hindi lang dahil sa sikat siya. Oo, sikat nga s’ya. Yun nga lang, sa katarantaduhan. Kung napaiyak man siya sa init ng ulo ng ilang tao towards sa kanya, yan ay nagpapatunay na tao pa rin siya kahit one-time YouTube sensation siya sa pamamagitan ng video na ‘yun. Nasasaktan pa rin. Kaso ulit, ano magagawa natin kung brutal ang mga salitang ginamit laban sa kanya (kahit sa totoo lang e nakikiuso at nakkireact lang yan kahit hindi naman lahat sa kanila ay napanood ang video na yan)?

Isa lang siguro masasabi ko, kahit umiyak pa siya d’yan... lilipas din yan, tulad ng mga nangyari kila Amalayer at Robert Carabuena.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. uo nga lilipas din yan....

    napanood ko na rin ang video... at di rin ako natawa....

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...