Reader Advisory

Some articles posted in the blog site may contain themes and languages which may not be appropriate nor appealing to other readers.

READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 4, 2013

First Quarter Storm – 4


4:46:09 PM | 4/4/2013 | Thursday

Ano ang mga in na balita? Alin naman din ang mga wlaang kaato-atorya? At sa aking pagratsada muli, narito ang aking pasada ng mga tirada sa ika-apat na installment ng aking pinamagatang First Quarter Storm.

Isang babae ang nagpakamatay nang dahil sa kinapos siya sa kanyang pangmatirkula. Nakababaliw at nakalulungkot lang isipin no? Ganyan talaga ang kapangyarihan ng salapi. Kaya nitong kitilan ang pag-aaral at pati ang buhay mo kung wala ka nito.

Import na kinulong dahil nanapak ng pulis. Yan ang patunay na kaya tayong sindakin ng mga higante kahit alagad pa tayo ng batas. Naalala njiyo pa ba ang ginawa ni Robert Carabuena kay Saturnino Fabros? Halos ganito rin yun. At bakit tila naiinvolved ang mga dayong manlalaro sa mga balitang hindi naman nila dapat linya at kasangkutan no?

Sunog na Upuan. Hoy mga damuhong nilalang, ang taumbayan ang nagbabayad niyan. Nakakalimot yata tong mga ‘to na nasa isang state university sila ah. Pero sa kabilang banda, ito lang din ang tanging maikikilos nila para lang mapukaw ang atensyon ng nasa itaas. Paano ka nga naman kung kinakapos ka na nga sa matirkula mo, tapos tataas pa ang tuition mo. Naknampucha naman. Hirap timbangin no?

Isang panukala na dapat daw ituro sa mga paaralan ang mga karahasang naganap noong rehimeng Marcos. Ganun? Bakit tila one-sided naman yata ang adhikain ng panukalang ito? Alam ko na nakasusuklam ang ginawa ng pamahalaan ni Macoy nun. Pero hindi pa ba sapat yun? Sabagay, may dalawang mukha kasi ang mga kaganapan nun, depende kung kanino ka papanig o kung paano mo titimbangin ang m,ga pangyayari. Pero tila mabibilang lang yata sa daliri ang mga pahinang  nakasaaad ang mga kagalingan ng dating Pangulo noon kesa sa mala-nobelang usapan ng karahasan.

Ang mga senswal o senswal kuno na eksena sa mga pang-Linggo ng tanghali na variety show, mula sa numero nila Lovi Poe at Roco Naccino sa Party Pilipinas ng GMA 7 hanggang sa damit ni Anne Curtis sa ASAP ng ABS-CBN. Nabuhay na naman ang usapin ng gender sensitivity sa media. Tama yan. At anong pinagsasabing hindi matured ang mga nagreact na audience sa aksyon na ito ng MTRCB? Tanga! Ang mga lugar sa mga naturang akto ay nilalagay sa lugar. Oo, wala ngang bastos sa taong open-minded. At ang pagiging open-minded ay may kaakibat na pag-iisip na ilagay sa tama ang dapat.

Nagreklamo ang ilang organisasyon ng media sa ilang pamantayan ng Comelec sa pag-ere ng mga campaign material. E paano nga naman, malulugi din sila e. Pero sa kabilang banda, ang matutuwa lang naman d’yan ay ang mga manunood na tilang sawang-sawa na sa mga pagmumukha nila.

Team Patay at Team Buhay. E kung mag-move on na lang tayo sa RH Law? Pero sa malamang, sa darating na Hunyo, mabubuhay ulit ang usapin na ‘yan dahil sa isang utos ng Korte Suprema na nagpapatigil sa implementasyon nito.

Speaking of implementasyon, indefinitely ang desisyon sa pinakahuling Temporary Restraining Order ng Supreme Court ukol  sa pinakakontrobersyal na Cybercrime Law. Ayan, nagbunyi na naman ang taumbayan. Yun nga lang, paano na nga lang mareresolba ang mga kaso na may kinalaman sa internet nito? Ang dami pa naming mga siraulo’t mga gago sa cyberspace?

Kanya-kanya silang gimik ngayong eleksyon. Ang problema, kung labag nga naman ito, ano naman ang magagawa… ng otoridad? Tsk. Hindi na kaya bago ‘to.

Nahuli si Isko Moreno sa isang pasugalan sa Maynila. Sa panig ni Mayor Lim, sinusunod lang ng mga pulis ang batas. Sa kabila naman, politically motivated. Naku, ewan ko sa inyo. Bahala kayo d’yan!

Offending religious feelings. Aba, akalain mo meron pala nun? Oo, magbasa ka kasi ng revised penal code. Pero kung si Carlos Celdran ay nakasuhan ng offending religious feelings, e dapat kasuhan din ang mga alagad ng simbahan na umaabuso sa kanilang mga kababayan. Samahan mo na yung mga taong mahihilig mangutya ng relihiyon ng iba. Yung mga mokong na nagbabanal-banalan kuno na hindi naman yata alam ang salitang respeto.

Pwedeng ma-extend ang aking First Quarter Storm kung gugustuhin ko lang, at kung gugustuhin mo rin. Kaya libre ang maglagay ng mga kumento n’yo ukol sa isyu na iyun at ang mga suhestiyon n’yo na pwede kong talakayain at bigyan ng kuro-kuro.

Marami pang hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol.


Part 1: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-1.html
Part 2: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-2.html
Part 3: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-3.html



First Quarter Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng Taong 2013) PART 4.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions 

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...